Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kilala: 10 Araw Upang Matuklasan ang Iyong PagkakakilanlanHalimbawa

Known: 10 Days to Discovering Your Identity

ARAW 3 NG 10

Lahat ng nilikha ng Diyos—na literal na lahat, sa totoo lang—ay nilikha Niya na may layunin. Ang layunin ng isang bubuyog ay magparami ng mga bunga, tulungan ang mga halaman na lumago at gumawa ng pagkain. Ang layunin ng isang kidlat ay tumulong sa pagtunaw ng hindi nagagamit na nitrogen sa tubig, na pagkatapos ay lumilikha ng natural na pataba na maaaring makuha ng mga halaman sa pamamagitan ng kanilang mga ugat. Ang layunin ng puno ng aspen ay magbigay ng tirahan para sa iba't ibang uri ng hayop. Bagama't ang lahat ng bagay ay may mga natatanging layunin, lahat sila ay may iisang layunin din—ang gumawa ng higit para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang kagandahan at Kanyang kaluwalhatian. Ngunit wala nang hihigit pa sa iyo at sa akin na nilikha dito sa Mundo ayon sa imahe ng Diyos. Sinasalamin mo Siya sa paraang walang ibang makakagawa sa Mundo. Hindi tulad ng mga bituin, ikaw at ako lamang ang makakapagpahayag ng Kanyang pagpapatawad, ng Kanyang biyaya, at ng Kanyang pagmamahal sa mga nakapaligid sa atin.

Kapag ibinuhos mo ang iyong oras at lakas sa pamamahala sa paraan ayon sa pagtingin sa iyo ng ibang tao, hindi ka lamang gumagawa ng bersyon ng iyong sarili na kadalasang mali at perpektong pagkakagawa, kundi nakakaligtaan mo rin ang mas malaking layunin ng Panginoon para sa iyo.

Ang iyong panlabas na anyo sa mundo sa paligid mo ay hindi nagsisilbing layunin mo sa Lupang ito, at hindi rin ito ang dahilan kung bakit ka tinawag na mga hiyas sa korona ng Panginoon (Zacarias 9:16). Habang nilikha ng Diyos ang mga bituin upang magningning bilang mga hiyas na nakalagay sa itaas ng Lupa, nilikha ka Niya upang hawakan ang tunay na kayamanan ng Langit sa loob mo. Dinadala mo ang Banal na Espiritu ng buhay na Diyos sa iyong sariling puso. Ang iyong natatanging layunin ay maaaring maging isang baseball player, o isang makeup artist, o isang physical therapist, o isang graphic designer. Gayunpaman, ang iyong pinakalayunin bilang anak ng Diyos ay ang ipakita sa tuwina ang pag-ibig ng Diyos at ipakita ang Kanyang pagpapatawad, ang Kanyang biyaya, at ang Kanyang kabaitan sa iyong mga kaibigan, grupo, klase, at pamilya, sa paraang ikaw lamang ang makakagawa.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Known: 10 Days to Discovering Your Identity

Madali lang na mawala sa kung ano ang pagkakilala sa iyo at makaligtaan mo kung kanino ka kinikilala. Ang salita ng Diyos ay maraming sinasabi tungkol sa iyo, kung sino ka, at kung ano ang ginawa Niya sa iyo. Ang 10-araw na debosyon na ito ay tutulong sa iyo sa paglalakbay tungo sa pagtuklas ng iyong tunay na pagkakakilanlan.

More

Nais naming pasalamatan ang Fresh Life Church (Levi Lusko) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://freshlife.church