Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kilala: 10 Araw Upang Matuklasan ang Iyong PagkakakilanlanHalimbawa

Known: 10 Days to Discovering Your Identity

ARAW 8 NG 10

Ang Jeremias 12:3a ay nagpapahayag ng pagkaunawa sa kung paano tayo nakikilala ng Diyos. Nakikita Niya tayo, maaari nating hilingin sa Kanya na subukin tayo, at maaari nating ipagkatiwala sa Kanya ang mga resulta nito. Pagkatapos, ang Awit 139:23-24 ay naglalarawan ng panalangin ng isang manunulat upang ALAMIN ng Diyos ang kanilang buong pagkatao: puso, isip, at katawan.

Una, ito ay isang panalangin upang "makilala ang aking puso". Isipin ang bawat pagkakataon na ikaw ay hindi nauunawaan. Sinabi mo ang isang bagay na mali o ginawa mo ang isang bagay na may mabuting intensyon na may isang taong mali ang pagkaunawa dito. Kapag kilala ka ng isang Diyos na nakaaalam sa iyong puso, maaari kang magkaroon ng 100% na pagtitiwala na nakikita Niya ang pinakamahusay sa iyong sinasabi, ginagawa, at iniisip, lagi.

Susunod, ito ay isang panalangin na ang Diyos ay "batid ang aking nababagabag na kaisipan". Alam mo ang tinutukoy ko. Ang mga bagay na ikinahihiya mo na sabihin sa karamihan ng tao. At ang mga taong sinasabihan mo ay hindi mo TALAGANG tunay na sinasabihan. Ang makilala ng Diyos ay ang maunawaan ka. Ito'y pinatutunayan. Siya ay talagang nag-aalala tungkol sa kung saan ka nag-aalala, at ang iyong mga alalahanin ay ganap na lehitimo sa Kanya!

Sa wakas, ito ay isang panalangin na alam ng Diyos ang ating mga gawa, kahit na ang mga hindi natin ipinagmamalaki (ang ating mga "nakakasakit na paraan", o mga kasalanan). Nakakatakot! Bakit ko nais na malaman ng Diyos ang tungkol sa paraan ng pagtrato ko sa kaibigan sa tanghalian o sa party na aking pinuntahan noong nakaraang linggo? Hindi ba iyon ang huling bagay na gusto kong malaman ng Diyos tungkol sa akin?

Ngunit ganito 'yun: ito ay hindi isang panalangin para sa Diyos upang hatulan ang pinakamasama sa mga pinakamasamang bagay na nagawa mo. Ito'y isang panalangin na alam ng Diyos ang bawat bahagi mo: ang mabuti, ang masama, ang pangit, at ang talagang pangit. Ngunit, alam ng Diyos na ikaw ay hindi isang banta! Basahin mo ulit ang huling linya. Bakit natin pinupuri ang Diyos na alam Niya ang bawat maliit na bagay tungkol sa atin? Sapagkat kapag kilala tayo ng Diyos, Siya'y makatutulong sa atin.

At saan Niya tayo dadalhin? Sa landas ng walang hanggan - kapag nakilala tayo ng Diyos, Inaakay Niya tayo sa mabuting buhay, sa buhay na puspos, sa buhay na walang hanggan. Iyan ang ibig sabihin ng pagkilala sa iyo ng Diyos na nagmamahal sa iyo nang higit pa sa maaari mong maunawaan.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Known: 10 Days to Discovering Your Identity

Madali lang na mawala sa kung ano ang pagkakilala sa iyo at makaligtaan mo kung kanino ka kinikilala. Ang salita ng Diyos ay maraming sinasabi tungkol sa iyo, kung sino ka, at kung ano ang ginawa Niya sa iyo. Ang 10-araw na debosyon na ito ay tutulong sa iyo sa paglalakbay tungo sa pagtuklas ng iyong tunay na pagkakakilanlan.

More

Nais naming pasalamatan ang Fresh Life Church (Levi Lusko) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://freshlife.church