Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kilala: 10 Araw Upang Matuklasan ang Iyong PagkakakilanlanHalimbawa

Known: 10 Days to Discovering Your Identity

ARAW 9 NG 10

Naramdaman mo na bang tila hindi ka magaling sa kahit na anong bagay? Marahil marami kang kayang gawin at mayroon kang pananabik, ngunit hindi ka eksperto sa alinman sa mga ito? Ako rin! Madaling kwestyunin kung ano ang pagkatawag sa iyo kapag ang tinig sa loob ng iyong ulo ay nagsasabi na ikaw ay hindi kwalipikado, walang kagamitan, o hindi sapat na mabuti at ang tinig na iyon ay tila mas malakas kaysa sa Diyos. 

Isinulat ni Moises ang unang limang aklat ng Biblia, at dito ay sinasabi niya sa Diyos na hindi siya mahusay sa pagsasalita. Sa katunayan ay sinasabi niya na hindi alam ng Diyos kung ano ang pinakamabuti, na Siya'y nagkamali nang tawagin Niya si Moises. Subalit kung si Moises ay hindi matalino sa pagsasalita at nahihirapan sa pagsasalita, bakit ginamit siya ng Diyos upang manguna sa Kanyang piniling bayan sa loob ng napakatagal na panahon? Tila nawalan si Moises ng pagtitiwala sa kanyang sarili, ngunit ang kailangan niya ay magkaroon ng pagtitiwala sa Diyos. 

Hindi mo kailanman lubusang mauunawaan kung ano ang iniisip o plano ng Diyos habang inaakay ka Niya at inaanyayahan ka Niya sa mga bagong bagay, ngunit ang maaari mong ipagkatiwala ay ang katotohanan na KILALA tayo ng Diyos. Batid Niya kung paano ka bibigyan ng kakayahan, kung paano ka mamahalin, at kung paano ka pagtitibayin. Walang sinuman na higit na nakakaalam sa iyo kaysa sa Kanya. Kung paanong ang Diyos ay nakipag-usap kay Moises, maaari kang magtiwala sa mga plano na tinawag ka ng Diyos sapagkat ipinangako Niya na sasamahan ka Niya. Ang Diyos ay sapat na upang takpan ang lahat ng iyong tunay o naiisip na mga kakulangan.

Manatili sa pagtitiwala na dadalhin ka ng Diyos at bibigyang-kakayahan para sa mga bagay na tinawag Niya sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Known: 10 Days to Discovering Your Identity

Madali lang na mawala sa kung ano ang pagkakilala sa iyo at makaligtaan mo kung kanino ka kinikilala. Ang salita ng Diyos ay maraming sinasabi tungkol sa iyo, kung sino ka, at kung ano ang ginawa Niya sa iyo. Ang 10-araw na debosyon na ito ay tutulong sa iyo sa paglalakbay tungo sa pagtuklas ng iyong tunay na pagkakakilanlan.

More

Nais naming pasalamatan ang Fresh Life Church (Levi Lusko) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://freshlife.church