Kilala: 10 Araw Upang Matuklasan ang Iyong PagkakakilanlanHalimbawa
Naranasan mo na bang maging isang plastik na bag na tinatangay ng hangin? Biro lamang. Pero sa totoo lang, nadarama mo na ba na gaya ka ng luwad sa mga talatang ito? Parang ganoon lamang... doon. Walang lakas o layunin?
Ang luwad mismo ay halos walang halaga - basang putik mula sa lupa. Walang hugis. Walang anyo. Luwad. Sa palagay ko lahat tayo ay nararamdaman iyon paminsan-minsan. Ang kakulangan ng ginhawa at kawalan ng kasiyahan ay nagsisimulang sumusulong sa ating pag-iisip kapag tayo'y tila nagpapatuloy lang sa ating pang-araw-araw na buhay upang hanapin ang ating lugar - sinisikap na umangkop at nakikiayon sa mga pamantayan o moralidad upang makaramdam ng pagiging kilala. Tayo ang luwad.
Gayunman, ang magpapalayok ay isang dalubhasang manlilikha. Siya'y may tiyaga at pangitain upang lumikha ng isang bagay na maganda at kapaki-pakinabang mula sa luwad. Kapag ang magpapalayok ay nakaupo sa kanyang gulong upang simulan ang paggawa ng isang bagong bagay, kung saan nakikita natin ang isang bunton ng basang putik, nakikita niya ang lahat ng mayroon siya upang gumana. Alam niya na may magiging maganda rito, kaya ginugugol niya ang panahon, idinagdag ang lakas, at nabubuo ang isang bagay na natatangi at kahanga-hanga.
Hindi ako maaaring mag-isa sa pag-iisip kung minsan na, "Bakit, O Diyos? Bakit Mo ginugugol ang Iyong panahon sa akin habang patuloy akong nagkakasala at sumusuway sa Iyo?" Gayunman, Siya'y nakikinig. ALAM Niya ang iyong mga kahinaan. ALAM Niya kung saan ka mahina. KILALA ka Niya, at KILALA Niya ako. Kapag nalilito ka, o kapag nagiging mahirap, ipaalala sa iyong sarili na Siya ang Magpapalayok, na naglalapat ng puwersa para sa ating kaayusan, para sa ating ikabubuti, at para sa Kanyang Kaluwalhatian. Bagaman tayo ay walang-saysay na luwad, sa pamamagitan ni Jesus, tayo'y binuo ng Magpapalayok- at patuloy na binubuo - tungo sa isang bagay na maganda! Tinawag ka Niya sa isang bagay na mas dakila kaysa sa iyong sarili! Hindi ka lamang putik; ikaw ay luwad sa kamay ng Manlilikha.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Madali lang na mawala sa kung ano ang pagkakilala sa iyo at makaligtaan mo kung kanino ka kinikilala. Ang salita ng Diyos ay maraming sinasabi tungkol sa iyo, kung sino ka, at kung ano ang ginawa Niya sa iyo. Ang 10-araw na debosyon na ito ay tutulong sa iyo sa paglalakbay tungo sa pagtuklas ng iyong tunay na pagkakakilanlan.
More