Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga AwitHalimbawa
Ang Pagpupuri sa Diyos ay Nagdadala ng Tagumpay
Mayroon tayong kaaway na gustong mang-agaw, magnakaw, pumatay at manira. Nagtatrabaho siya nang todo para agawin ang ating kumpiyansa at nakawin ang ating minimithi. Siya ay sinungaling at mangbibintang. Ang pangalan niya ay Satanas. Pero binigyan tayo ng Diyos ng mga sandata na maaari nating gamitin sa pakikidigma kapag hinahabol tayo ni Satanas. Maaari nating talunin ang kaaway sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at ng Papuri. Ang dalawang sandatang ito, kapag pinagsama ay dudurog sa kanya sa iyong paanan. Ganito kasi iyon, hindi mabuti kay Satanas ang pagpupuri. Kapag nararamdaman mo siya na sinusubukan kang talunin, o nakawin ang iyong kumpiyansa, umpisahan mong purihin ang pangalan ni Jesu-Cristo. Habang dinadakila mo si Jesus ayon sa kung sino Siya, tatakbo si Satanas gaya ng isang duwag.
Ang prinsipyong ito ay nakita sa kwento ni Jehoshafat habang pinamumunuan niya ang mga hukbo ng Juda para labanan ang mga kaaway na nakapalibot sa kanila. Sa halip na ipadala ng una ang mga hukbo, ipinadala muna ni haring Jehoshafat ang mga mang-aawit na umawit ng, “Purihin si Yahweh, pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman” (2 Mga Cronica 20:21 RTPV05). Habang umaawit ang mga mang-aawit, nagpadala ng mga tambang ang Diyos laban sa mga kaaway at lahat ay natalo. Ito ay isang makapangyarihang kwento na nagpapakita kung paanong ang pagpupuri sa Diyos ay tumatalo sa mga kaaway sa ating buhay.
Selah – Sandaling Huminto at Magnilay: Saang bahagi ng iyong buhay nananabik kang makakita ng tagumpay? (i.e. tagumpay laban sa pagkabalisa, takot, adiksyon, mga isyung may kinalaman sa pagkain..) Paano mo pupurihin ang Diyos para sa nakamtan mo nang tagumpay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo?
Panalangin ng Pagpupuri: Panginoong Jesus, dinadakila kita, dahil sa pamamagitan ng Iyong tulong nalalampasan ko ang anumang sitwasyon na pakiramdam ko ay mahirap lampasan. Sa Iyong kapangyarihan ang kadiliman ay nagiging liwanag. Salamat sa Iyo, na kung ako ay nakakaramdam ng takot, ang Iyong presensya ay nasa akin. Pinupuri Kita dahil nangako Ka na ako ay Iyong aakayin sa tagumpay habang ako ay nagtitiwala sa Iyo. Amang Diyos, salamat sa Iyo dahil sa pamamagitan ni Cristo mayroon akong tagumpay sa lahat ng sitwasyon. Walang anumang sandatang ginawa laban sa akin ang magtatagumpay. Pinupuri Kita, Panginoong Jesus, dahil ngayon maaari akong tumindig sa Iyong tagumpay.
Mga Awit 18:46-49 RTPV05, “Buhay si YAHWEH, Diyos ko't Tagapagligtas, matibay kong muog, purihin ng lahat! Ang kanyang kadakilaa'y ating ipahayag! Pinagtatagumpay niya ako sa mga kaaway, mga bansa'y ipinapailalim niya sa aking paanan; at inililigtas niya ako sa aking mga kalaban. Laban sa mga mararahas, akoý pinagtatagumpay, sa aking kaaway, ika'y aking kalasag at patnubay. Sa lahat ng bansa'y ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.”
Para sa higit pang tulong para labanan ang pagkabalisa, samahan si Becky Harling para sa isang 6-linggong pag-aaral ng Mga Awit sa the Extraordinary Power of Praise.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabalisa, takot, kalungkutan at depresyon ay tumaas nang husto nitong mga nakaraang ilang taon. Hindi na kakaiba sa mga Salmista ang mga ganitong emosyon. Pero natutunan nilang ipamalas ang pambihirang kapangyarihan ng pagpupuri upang mapagtagumpayan ang mga ito. Tuklasin ang lihim para sa pagpapayapa sa mga debosyonal na ito mula sa Mga Awit.
More