Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga AwitHalimbawa
Ang Pagpupuri sa Diyos ay Nagpapatahimik ng ating Takot
Ang taong 2020 ay tila isang madilim na taon sa marami. Sinalakay ng COVID-19 ang buong mundo. Marami ang nawalan ng mga mahal sa buhay, trabaho at tahanan. Madilim ang pakiramdan natin sa buhay habang nakikinig tayo sa mga balita tungkol sa kawalang-katarungan sa ibang lahi, kaguluhan, malaking di pagkakasundo sa politika at maramihang pamamaril. Ang takot at pagkabalisa ay umakyat sa napakalaking bilang.
Ang Salmista, si David, ay nabuhay din sa madidilim na pangyayari. Ang kanyang kaaway ay hindi isang pandaigdigang pandemya kung hindi isang Hari na mapanibughuin at sinubukan siyang patayin nang maraming beses. Nang nakakaramdam ng takot si David, ibinuhos niya ang kanyang puso sa Diyos at ibinaling ang kanyang sarili sa pagpupuri sa Diyos. Natuklasan natin ang ganitong gawi sa kabuuan ng buhay ni David.
Sa buhay natin, ang takot ay isang natural na reaksyon kapag ang buhay ay madilim. Sa halip na hindi tanggapin ang pagkatakot, inaanyayahan tayo ng Diyos na ibuhos natin ang ating mga puso sa Kanya at ibaling ang ating atensyon sa pagsamba. Habang pinupuri natin ang Diyos sa Kanyang kapangyarihan, pinatatahimik ng Banal na Espiritu ang ating mga takot at pinaliliwanag ang ating mga isip para maunawaan nang lubos ang presensya ng Diyos. Ang pagpupuri sa Diyos ay nagdudulot ng sariwang pananampalataya na siyang pumapalit sa pagdududa, panibagong tapang na pumapalit sa takot, at kamangha-manghang katahimikan na pumapalit sa pagkabalisa. Ang totoo, sadyang hindi puwedeng papurihan mo ang Diyos at hindi ka babaguhin.
Selah - Huminto nang sandali at Magnilay: Sa buong aklat ng Mga Awit ay makikita natin ang salitang Selah na ibig sabihin ay huminto nang sandali at magmuni. Maglaan ng ilang sandali para magmuni at mag-isip. Kapag tila madilim ang buhay, ano ang karaniwang ginagawa mo para malampasan ito?
Panalangin ng Pagpupuri: Panginong Jesus, pinupuri kita na Ikaw ang aking ilaw at ang aking kaligtasan. Pinupuri kita na kung akoý natatakot, inaanyayahan Mo ako na dalhin ang lahat ng takot ko sa Iyong paanan. Salamat na ang kadiliman ng mga pangyayari sa aking buhay ay hindi mangingibabaw sa liwanag ng Iyong maluwalhating presensya. Sinasamba kita bilang Ilaw na nagniningning sa kadiliman. Pinupuri Kita dahil Ikaw rin ang aking muog at ligtas na lugar at dahil maaari akong patuloy na tumakbo sa Iyo. Kahit na ngayon, sa nakakatakot na panahon, ang presensya Mo ang bumabalot sa akin. Pinupuri Kita sa tiwala at tapang na nararamdaman ko sa loob ko habang sinasamba Kita nang tapat. Ikaw lamang ang karapat-dapat sa aking papuri.
Mga Awit 27:1, “Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan – sino ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay – sino ba ang aking kasisindakan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabalisa, takot, kalungkutan at depresyon ay tumaas nang husto nitong mga nakaraang ilang taon. Hindi na kakaiba sa mga Salmista ang mga ganitong emosyon. Pero natutunan nilang ipamalas ang pambihirang kapangyarihan ng pagpupuri upang mapagtagumpayan ang mga ito. Tuklasin ang lihim para sa pagpapayapa sa mga debosyonal na ito mula sa Mga Awit.
More