Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga AwitHalimbawa

The Extraordinary Power of Praise: A 5 Day Devotional From the Psalms

ARAW 4 NG 5

Ang Pagpupuri sa Diyos ay Nagdudulot ng Kaluguran

Napakadali sa ating kasalukuyang kultura na dumaing at magreklamo sa kung ano ang wala sa atin. Ikinukumpara natin ang ating sitwasyon sa ating mga kaibigan at pakiramdam natin mas mabuti ang kanilang buhay kaysa sa atin. Sa kawalan natin ng kasiyahan nagsisimula tayong magmaktol at magreklamo. Isinulat ni David na dahil ang PANGINOON ang kanyang pastol hindi siya magkukulang (Mga Awit 23:1 RTPV05). Sa isa pang Awit, isinulat niya, na ang PANGINOON ang kanyang piling bahagi at saro (Mga Awit 16:5 ABTAG01).

Ano ang nagdala kay David sa lugar na ito ng malalim na kasiyahan? Naniniwala ako na ito ay ang kanyang patuloy, walang-tigil na pagpili na purihin ang Diyos. Kapag tayo ay naghahambing at nagrereklamo, pinapawi natin ang ating kasiyahan. Pero ang kabaligtaran ay totoo din. Habang lalo nating pinupuri at sinasamba ang Diyos, lalo tayong nabibighani sa Kanya. Habang lalo nating Siyang pinasasalamatan, mas higit tayong nagiging mapagpasalamat. Habang lalo nating ipinahahayag ang ating pagmamahal sa Kanya, lalo Siyang napapamahal sa atin. Unti-unti ay naroon ang pagkaunawa na Siya – ang Diyos na sapat sa lahat – ay sapat na. Sa katunayan, higit Siya sa sapat! Kung kaya makakaya nating ipahayag ang mga salita ni David at totoong maipahahayag natin na "hindi ako magkukulang!"

Bakit hindi mo subukang purihin Siya ng labinlimang minuto araw-araw sa susunod na limang araw. Maaari mong ilista ang Kanyang mga katangian na pinapasalamatan mo. Maaari ka ring gumamit ng mga musika ng pagsamba para ganahan kang magpuri. Hindi mahalaga kung paano mo ito gawin. Subukan mong magpuri at tingnan mo kung ano ang mangyayari sa iyong diwa.

Selah – Sandling huminto at Magnilay: Ikaw ba ay isang taong likas na mahilig magkumpara at magreklamo? Ano kaya ang dating sa iyo na maging lubos na nasisiyahan kay Jesus at masasabi mo nang totoo, “hindi ako magkukulang?”

Panalangin ng Pagpupuri: Banal na Diyos, pinupuri Kita dahil Ikaw ay sapat sa lahat, Ikaw ay Diyos na umaalalay sa lahat. Wala Kang kakulangan at nangangako Ka sa akin na ikaw ang magbibigay ng lahat ng aking pangangailangan. Pinupuri Kita bilang Ikaw ang aking bahagi at aking panustos. Sa Iyo, nahahanap ko ang payapang kasiyahan na hindi kayang abutin ng pang-unawa dahil nauunawaan ko na Ikaw ay Diyos na mapagbigay at mapagmahal. Nakita ko sa Iyo ang lahat ng aking kailangan. Salamat sa Iyo dahil maaari akong pumanatag at nararamdaman ko ang seguridad dahil kontrolado mo ang lahat. Pinupuri at sinasamba Kita bilang aking banal at sapat sa lahat na Diyos.

Mga Awit 16:5 ABTAG01, “Ang Panginoon ang aking piling bahagi at aking saro; ang aking kapalaran ay hawak mo.”

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Extraordinary Power of Praise: A 5 Day Devotional From the Psalms

Ang pagkabalisa, takot, kalungkutan at depresyon ay tumaas nang husto nitong mga nakaraang ilang taon. Hindi na kakaiba sa mga Salmista ang mga ganitong emosyon. Pero natutunan nilang ipamalas ang pambihirang kapangyarihan ng pagpupuri upang mapagtagumpayan ang mga ito. Tuklasin ang lihim para sa pagpapayapa sa mga debosyonal na ito mula sa Mga Awit.

More

Nais naming pasalamatan ang Moody Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.moodypublishers.com/the-extraordinary-power-of-praise/