Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga AwitHalimbawa
Ang Pagpupuri sa Diyos ay Nakakapagpalakas sa Atin Habang Tayo ay Naghihintay
Ang Salmistang si David ay naghintay nang matagal para tuparin ng Diyos ang pangako na siya ay magiging Hari. Madalas, sa mga taon ng kanyang paghihintay, nagtatago rin si David para iligtas ang kanyang buhay dahil tinutugis siya ni Haring Saul para patayin. Sa halip na talikuran ang kanyang pananampalataya sa Diyos, lalo pang nagsumikap si David sa kanyang paghihintay. Sa isang punto sa kanyang paghihintay ipinahayag ni David ang kanyang pagpupuri sa pagsasabing, “Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin” (Mga Awit 5:3 RTPV05). Ang pariralang “tugon moý hihintayin” ay nagpapahayag ng pag-asang nagtitiwala. Hindi ito dahil hindi totoo si David. Sa simula, sa Mga Awit 5, dumadaing siya sa Panginoon na siya ay pakinggan at bigyang-pansin ang kanyang panaghoy (Mga Awit 5:1). Pero, pagkatapos niyang ibuhos ang laman ng kanyang puso ay itinuon niya ang sarili sa pagpupuri sa Diyos na Siya ay sasagot. Habang siya ay nagpupuri, pinalalakas ng Banal na Espiritu ang kanyang puso ng pag-asang nagtitiwala. Iyan ang pambihirang kapangyarihan ng papuri.
Habang hinihintay mo ang Diyos na sagutin ang iyong mga panalangin, sundin mo ang ganoong huwaran. Ibuhos mo ang laman ng puso sa Diyos nang buong katapatan, pero pagkatapos ay tumuon sa pagpupuri sa Diyos. Sasagot Siya dahil nangangako Siya na sasagot. Bilang Banal na Diyos lagi Siyang tutupad sa Kanyang mga pangako. Habang patuloy mong pinupuri ang Diyos kahit na parang Siya ay nanahimik, palalakasin ng Banal na Espiritu ng pag-asang nagtitiwala ang iyong puso.
Selah – Sandaling Huminto at Magnilay: Saan sa buhay mo naghihintay ka ng pambihirang tagumpay? Paano maaaring palakasin ng iyong pagpupuri sa katangian ng Diyos ang iyong pag-asa habang ikaw ay naghihintay?
Panalangin ng Pagpupuri: Panginoong Diyos, pinupuri Kita na Ikaw ay mabuti at banal. Ikaw ay Diyos na palaging tumutupad sa Iyong salita. Salamat dahil nangako Ka na kung ako ay humingi, Ikaw ay sasagot (Mateo 7:7). Pinupuri Kita dahil parati Mong dinirinig ang aking tinig at maaari akong magtiwala Sa iyo na tutuparin Mo lahat ng Iyong mga pangako (Mga Awit 5: 3, 2 Mga Taga Corinto 1:20). Salamat dahil habang pinupuri Kita sa araw na ito, pupunuin Mo ang puso ko ng pag-asang nagtitiwala.
Mga Awit 5:3 RTPV05, “Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin.”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabalisa, takot, kalungkutan at depresyon ay tumaas nang husto nitong mga nakaraang ilang taon. Hindi na kakaiba sa mga Salmista ang mga ganitong emosyon. Pero natutunan nilang ipamalas ang pambihirang kapangyarihan ng pagpupuri upang mapagtagumpayan ang mga ito. Tuklasin ang lihim para sa pagpapayapa sa mga debosyonal na ito mula sa Mga Awit.
More