Ang Pambihirang Kapangyarihan ng Papuri: Isang 5 Araw na Debosyonal Mula sa Mga AwitHalimbawa
Ang Pagpupuri sa Diyos ay Nagbibigay-daan sa Pagbubulalas Mo ng mga Kabiguan
May panahon sa aking buhay na talagang tila napakadilim. Iniwan ako ng cancer na pagod na pagod. Inisip ko noong panahon na iyon, “Makatotohanan bang papurihan ang Diyos kung ganito kasama ang nararamdaman ko?” Ang ibig kong sabihin, hindi ko halos maramdamang gusto kong tumalon-talon at sumigaw, “Hallelujah, may cancer ako!” Habang pinag-aaralan ko ang aklat ng Mga Awit, natuklasan ko na marami sa Mga Awit ay mga panaghoy. Ang panalanging panaghoy ay isang panalangin na puno ng mga tanong, mga kabiguan at mga pag-aalinlangan. Ang nadiskubre ko sa mga Salmista ay hindi sila nagpigil sa Diyos. Noong sila ay bigo, ipinahayag nila ang kanilang nararamdaman. Madalas ang kanillang pagsamba ay ang kanilang pananangis (Mga Awit 42:3). Sa ibang panahon ibinulalas nila ang kanilang galit sa Panginoon. Halimbawa, may isang punto sa kanyang buhay, sobrang pagkabigo ang naramdaman ni David kaya nanalangin siya sa Mga Awit 58:6 RTPV05, “Bungiin ang ngipin nila, O Panginoon!” Naalala ko nang una kong makita ang mga salitang ito, iniisip ko, “Pinapayagan ba tayong manalangin nang ganoon?”
Nais ng Diyos ang iyong tapat na pagsamba. Kung ikaw ay bigo, galit, o sadyang malungkot, inaanyayahan ka Niya na dalhin mo ang mga damdaming ito sa Kanyang harapan. IIyak mo lahat ito sa Kanya. Pagkatapos, sundan mo ang ehemplo ng mga Salmista. Ibaling mo ang iyong tuon sa pagsamba. Nangangako ang Diyos na Siya ay malapit sa mga nagdurusa at di binibigo ang mga walang pag-asa (Mga Awit 34:18). Purihin at sambahin Siya ngayon dahil tinutupad Niya ang Kanyang mga pangako.
Selah – Sandaling huminto at Magnilay: Pakiramdam mo ba na upang maging "mabuting Cristiano” kailangan mong maging masaya parati? Kailan ka pinuntahan ng Diyos noong nasa gitna ka ng iyong pagdadalamhati?
Panalangin ng Pagpupuri: Panginoong Jesus, pinupuri Kita na ikaw ay taong nakaranas ng lumbay at pamilyar sa pagdadalamhati, noong narito Ka sa Mundo (Isaias 53:3). Salamat sa Iyo dahil nakikita Mo ang bawat patak ng luha ko at naririnig Mo ang lahat ng salita ng galit na aking nasasambit. Salamat dahil inaanyayahan Mo akong maging matapat sa iyo sa lahat ng aking nararamdamam. Salamat sa Iyo, na habang naglalahad ako sa Iyo nang may pagsamba, ginagamot Mo ang aking wasak na puso. Pinupuri Kita Panginoon dahil inaaliw Mo ako bilang isang mapagmahal at maawaing Ama. Salamat sa pagiging malapit Mo kapag ako'ý umiiyak. Sinasamba Kita bilang Diyos na maawain!
Mga Awit 34:18 RTPV05, "Tinutulungan Niya, mga nagdurusa at di binibigo ang mga walang pag-asa."
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabalisa, takot, kalungkutan at depresyon ay tumaas nang husto nitong mga nakaraang ilang taon. Hindi na kakaiba sa mga Salmista ang mga ganitong emosyon. Pero natutunan nilang ipamalas ang pambihirang kapangyarihan ng pagpupuri upang mapagtagumpayan ang mga ito. Tuklasin ang lihim para sa pagpapayapa sa mga debosyonal na ito mula sa Mga Awit.
More