Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Katotohanan?Halimbawa

What Is Truth?

ARAW 7 NG 7

Narinig Mong Sinabi …

Napakahalaga ng pagsasanay ng ating pagkaunawa. Sa katunayan, si Haring Solomon, isa sa pinakamatalinong tao na lumakad sa mundo, ay naglarawan na ang paghahanap ng pag-unawa at pag-intindi ang pinakamatalinong bagay na magagawa ng isang tao. Kaya, maging praktikal tayo ngayon at suriin ang ilang mga "katotohanan sa kultura" ayon sa katotohanan. 

Si Jesus (ang Katotohanan) ay patuloy na binabaliktad ang mga kultural na ideya. Ang Sermon sa Bundok ay, sa malaking bahagi, isang koleksyon ng mga pagwawasto ni Jesus ng ating maling paniniwala tungkol sa kung ano ang mabuhay nang tunay bilang bayan ng Diyos. Halimbawa, itinala ni Mateo na sinabi ni Jesus:

“Narinig ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo …” Mateo 5:43-44 RTPV05 

Narinig mong sinabi ito … ngunit sinasabi ko. Saan natin kailangang mailapat ang mga salitang ito, ang pagsubok na ito, sa ating buhay ngayon?

Marahil ay narinig mong sinabi na dapat nating gawin ang anumang nagpapasaya sa atin. Masarap pakinggan, tama? Tulad ng pagmamalasakit sa atin ng Diyos kaya dapat kong gawin ang anumang nagpapaligaya sa akin. Ngunit, hindi kailanman sinabi ni Jesus na "gawin kung ano ang magpapasaya sa iyo"; Inuutusan Niya tayo na maging banal tulad ng Siya ay banal. Tapat na inihahanda Niya tayo sa pagsabing sa mundong ito, makakaranas tayo ng gulo, ngunit maaaring lumakas ang ating loob sapagkat nalampasan na Niya ang mundo. Ang ating kuwento ay may masayang wakas, ngunit kung palaging gagawin ni Jesus kung ano ang nagpapasaya sa Kanya, hindi Niya kailanman isasailalim ang Kanyang sarili sa pahirap ng kamatayan sa krus at tayo ay mawawalan ng pag-asa. Kaya, ang totoo ay hindi tayo tinawag upang matupad ang ating pansariling kaligayahan, tinawag tayo upang sikapin ang isang pagkakakilanlan sa kabanalan.

Narito ang isa pa. Marahil ay narinig mong sinabi na kailangan mong magsumikap para manguna; na dapat mong gawin anuman ang kinakailangan upang mailagay ang iyong sarili sa unahan. Muli, maaari kang matuksong maniwala sa mentalidad na ito. Kung tutuusin, tumutulong ang Diyos sa mga tumutulong sa kanilang sarili, tama ba? Sa totoo lang, si Jesus at ang Kanyang pinakamalapit na mga tagasunod ay patuloy na hinahamon tayo sa eksaktong kabaliktarang ideya. Sinabi ni Pedro:

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.1 Pedro 5:6 RTPV05

At sinulat ni Pablo:

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Mga Taga-Filipos 2:3-4 RTPV05

Kaya't ang totoo ay ang buhay ay hindi tungkol sa atin at hindi ang paglalagay ng ating sarili sa unahan; ang pamumuhay na tunay ay pagtitiwala sa Diyos at pagtrato sa iba nang may tunay na kababaang-loob.  

Batay sa mga halimbawang ito, makikita natin na kapag ang ating pag-unawa sa katotohanan ay matatag na nakabatay sa katauhan ni Jesus, masusuri natin ang anumang kultural na ideya sa ilaw ng Kanyang liwanag at may pagtitiwalang tanggapin kung ano ang sang-ayon at tanggihan ang hindi. Ang malaman Katotohanan, ang makilala si Jesus, ay nagpapalaya sa atin upang mabuhay na may isang espesyal na katiyakan sa isang mundo na itinatanong pa rin ang matagal nang tanong ni Pilato: Ano ang katotohanan?

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

What Is Truth?

Ito ba ang aking katotohanan o ang katotohanan? Ano ang mangyayari kapag magkasalungat ang dalawang iyon? Paano natin malalaman kung ang isang bagay ay totoo o hindi? Samahan kami sa susunod na pitong araw habang isinasaalang-alang natin ang ideya na ang katotohanan ay hindi isang abstraktong konsepto—ito ay isang tunay na tao. Isang taong may pangalan at mukha. Isang tao na nakikipag-ugnay, hindi nagbabago, nagbibigay ng buhay, at walang hanggang mapagmahal. Isang taong nagngangalang Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/