Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Katotohanan?Halimbawa

What Is Truth?

ARAW 3 NG 7

Buhay, Kalayaan, at ang Paghahabol sa Kaligayahan 

Dahil ang katotohanan ay nakaugat sa katauhan ni Jesus, nakatitiyak tayo na ito ay nakikipag-ugnayan at hindi nagbabago. Hindi ito isang hindi kilala at hindi alam na misteryo ng sansinukob.Siya ang ating tunay, personal na Tagapagligtas, si Jesus. 

At iyon ang isa pang nakabibighaning bagay tungkol kay Jesus: Siya ang ating mapagkukunan ng buhay. Sa Juan 1, makikita natin si Jesus bilang Orihinal — Siya ay Diyos at kasama ng Diyos sa simula. Ang talatang ito ay patuloy na nagsasabi:

Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay maybuhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan Juan 1:3-4 RTPV05

Ano ang ibig sabihin nito? Ang buhay ay matatagpuan kay Cristo. At, tandaan, kalaunan sa ebanghelyo ni Juan, malinaw na sinabi ni Jesus: "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay …” Nangangahulugan ito na ang parehong katotohanan at buhay ay matatagpuan kay Jesus. Siya ang pinagmulan ng pareho. Nilinaw ni Juan sa mga talatang ito na hindi natin maaaring paghiwalayin ang katotohanan at buhay. Kaya't kung pipiliin nating tanggihan si Jesus bilang Katotohan, tinatanggihan din natin Siya bilang ang Buhay. Sapagkat ang mga sangkap na ito ng Kanyang karakter ay hindi tulad ng isang kasuotan na maaari nating pagsamasamahin ayon sa nakikita nating pagkakabagay, ang mga ito ay walang hanggang katangian ng ating hindi nagbabagong Diyos. 

At ang pagpapasyang tanggihan ang Diyos bilang May-akda ng buhay at katotohanan ay may masasamang bunga. Ito mismo ang nangyari sa simula pa lamang ng salaysay ng Biblia. Nabigyan sina Adan at Eva ng kakayahang pumili upang mamuhay nang malaya sa ilalim ng katotohanan ng Diyos o baluktutin ang katotohanan ng ayon sa kanilang sariling mga hangarin. Ang katotohanan, tulad ng tinukoy ng Diyos, ay pinapayagan silang manirahan sa perpektong hardin na ito kung saan sila ay naglalakad nang malapit sa Diyos at sa bawat isa. Sinasabi sa atin ng Genesis 2 na si Adan at Eva ay hubad, ngunit walang kahihiyan. Ngunit tignan kung ano ang nangyari ng subukan nilang baluktutin ang katotohanan upang umangkop sa kanilang sariling mga hinahangad: 

“Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno.” Genesis 3:8 RTPV05

Ang kahihiyan ay pumasok sa kuwento, kaya't nagtago sila mula sa Diyos na nilikha sila upang makalakad nang napakalapit. Naranasan nila ang masakit na pagkawala ng buhay na nilikha sa atin ng Diyos. Dahil kapag inihiwalay natin ang ating sarili mula sa Katotohanan, pinuputol din natin ang ating sarili mula sa Buhay.

Hamon: Isipin ang mga lugar sa iyong buhay kung saan natutukso kang malaman ang katotohanan batay sa iyong sariling mga hangarin. Kapag pinapalitan natin ang ating mga hangarin para sa Kanyang katotohanan, ipinagpapalit din natin ang inilaang katotohanan ng Diyos para sa kahihiyan at takot na maghari sa ating buhay. Ang katotohanan at buhay ay hindi mapaghihiwalay sapagkat iisa ang pinagmulan nila — si Jesus. Paano mo pipiliin na maitaguyod ang iyong pagkaunawa sa katotohanan ng katauhan ni Jesus ngayon? Paano makakaapekto ang desisyong iyon sa mga larangan ng tukso na iyong nalaman sa itaas?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

What Is Truth?

Ito ba ang aking katotohanan o ang katotohanan? Ano ang mangyayari kapag magkasalungat ang dalawang iyon? Paano natin malalaman kung ang isang bagay ay totoo o hindi? Samahan kami sa susunod na pitong araw habang isinasaalang-alang natin ang ideya na ang katotohanan ay hindi isang abstraktong konsepto—ito ay isang tunay na tao. Isang taong may pangalan at mukha. Isang tao na nakikipag-ugnay, hindi nagbabago, nagbibigay ng buhay, at walang hanggang mapagmahal. Isang taong nagngangalang Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/