Ano ang Katotohanan?Halimbawa
Paano mo Malalaman?
Sa nakaraang ilang mga araw, nasagot natin ang tanong na “Ano ang katotohanan?” Sa bawat panig, nalaman natin na ang katotohanan ay hindi maihihiwalay at nakaugnay sa katauhan ni Jesus. Ang Orihinal. At dahil Siya ang Katotohanan, may mga bagay na makatitiyak tayo. Una, ang katotohanan ay relasyonal. Maaari nating malaman ang Katotohanan sapagkat maaari nating makikilala si Jesus. Pangalawa, ang katotohanang iyon ay hindi nagbabago. Dahil si Jesus ay hindi nagbabago, ang katotohanan ay hindi rin. Pangatlo, ang katotohanan ay nagbibigay ng buhay. Si Jesus ay hindi lamang ang pinagmulan ng katotohanan bilang Orihinal, kundi ang pinagmumulan din ng buhay. Pareho silang mga katangian ng Kanyang walang hanggang katauhan.
Pinag-usapan din natin ang ilang mga bagay na hindi totoo sa katotohanan. Hindi ito mapang-api. Ikinukulong tayo ng mga kasinungalingan; ang katotohanan ay pinapalaya tayo. Ang katotohanan ay hindi rin isang kasangkapan para sa pagkakaroon ng kapangyarihan laban sa iba. Sa katunayan, iyon ang kabaliktaran ng layunin nito. Pinapayagan tayo ng katotohanan na ihanay ang ating sariling buhay sa pinakapundasyon ng katotohanan.
Kaya alam natin kung ano ang katotohanan at ang hindi, ngunit maaari mo pa ring natatanong kung paano malalaman kung ang isang bagay, sa katunayan, ay totoo. At iyon ay isang makatarungang tanong. Alam natin na ang pinakamagandang kasinungalingan ay ang mga bagay na mukhang totoo. Kaya paano ka makakasiguro?
Kapag isinasaalang-alang natin kung mayroon tayong mga tamang kasagutan, ihinahambing natin ito sa mga tamang sagot. Kung nais mong malaman kung mayroon kang tamang kulay ng pintura, ihahambing mo ito sa isang halimbawa na iyong napili bago mo ipintura ito sa buong pader ng iyong bahay (sana). Ang punto ay, mayroon kang isang bagay na mapaghahambingan dito. Kaya't kung isasaalang-alang kung ang isang bagay ay totoo, ang unang bagay na ginagawa natin ay ihambing ito sa Orihinal. Parang si Jesus ba? Naaayon ba sa Kanyang katangian at kalikasan?
Kung hindi ito kasang-ayon kay Jesus, hindi ito naaayon sa Katotohanan, sapagkat sila ay iisa at pareho. Hindi ka pa rin sigurado? Isipin ang bunga ng mga ideya na iyong pinaglalabanan. Saan ito hahantong? Ano ang mga resulta? Ang katotohanan ay humahantong sa kalayaan at buhay, hindi kahihiyan at pagkabilanggo. Mayroon bang mabuting bunga at buhay na uunlad sa kabilang panig ng isinasaalang-alang mo?
Panghuli, kung minsan ay ang ating mga sariling hangarin ang pumipigil sa ating kakayahan upang makilala ang katotohanan. Sa madaling salita, nais nating maging totoo ang ilang mga bagay na talagang hindi naman totoo. Halimbawa, marami sa atin ang nais maniwala na gumagawa tayo ng mga desisyon na walang maaapektuhan kundi tayo lamang, kung mayroon man. Nais nating maging totoo iyon dahil kapag nagkagulo tayo at nakagawa ng isang bagay na hindi tama, hindi natin nais na harapin ang sakit na dulot nito o ang makonsensya dahil may taong nasaktan. Ngunit ang katotohanan ay wala sa ating mga desisyon na ganap na nagsasarili. Kahit na ang mga "sikreto" ay lumilikha ng kakulangan ng kahinaan sa pagitan mo at ng mga taong pinakamalapit sa iyo, at kapwa kayo nawawalan ng pagkakataong maging malapit sa isa't-isa sa inyong relasyon.
Dahil lang sa gusto nating maging totoo ang isang bagay, hindi nangangahulugang ito ay totoo. Kaya, madalas, ang isang madaling paraan upang makilala ang katotohanan ay ang matutunan nating ihiwalay ang ating sariling mga hangarin mula sa pundasyon ng katotohanan. Kailangan nating matutunang hindi sa sarili natin tumingin. Sa halip ay tumingin kay Jesus—ang may-akda at tagapagganap ng ating pananampalataya. Kaya paano natin malalaman kung ang isang bagay ay totoo o hindi? Ihambing natin ito sa Orihinal, tingnan natin ang bunga, at hanapin natin ang Pinagmulan na nasa labas ng ating sariling mga hangarin.
Hamon: Gawin ang mga pagsubok na ito ngayon at ugaliing patakbuhin ang lahat sa pamamagitan ng perpektong tagapagsala ng katotohanan, si Jesus. Ano ang madalas na naririnig o nakikita mong nakalagay sa social media ngayon? Meron ba? Ngayon, ihambing ito sa Orihinal. Isaalang-alang kung saan ito hahantong. At suriin ang iyong pagkukunan. Gusto mo lang ba itong maging totoo o totoo ba talaga ito? Isulat ang prosesong ito at anyayahan si Jesus na mangusap tungkol dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ito ba ang aking katotohanan o ang katotohanan? Ano ang mangyayari kapag magkasalungat ang dalawang iyon? Paano natin malalaman kung ang isang bagay ay totoo o hindi? Samahan kami sa susunod na pitong araw habang isinasaalang-alang natin ang ideya na ang katotohanan ay hindi isang abstraktong konsepto—ito ay isang tunay na tao. Isang taong may pangalan at mukha. Isang tao na nakikipag-ugnay, hindi nagbabago, nagbibigay ng buhay, at walang hanggang mapagmahal. Isang taong nagngangalang Jesus.
More