Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Katotohanan?Halimbawa

What Is Truth?

ARAW 1 NG 7

Ano ang Katotohanan?

Napag-isipan mo na ba kung nasaan ang katotohanan? Sa lahat ng mga pekeng balita at iba't-ibang mga opinyon, tila ang bawat panig ay may kanya-kanyang bersyon ng katotohanan at ideya kung ano ang dapat nating paniwalaan. Maaari itong maging nakakabigo, nakakatakot, at nakalilitong tahakin ang lahat ng mga inaakalang katotohanan na patuloy na umaatake sa atin.

Si Pilato, ang gobernador ng Roma na nagtanong kay Jesus sa paglilitis sa Kanya, ay nakadama ng ganitong tensyon at sa sobrang galit ay sumigaw, “Ano ang katotohanan?” 

Ang hindi niya namalayan ay literal na tinititigan niya sa mukha ang Katotohanan. Si Jesus, sa Juan 14: 6, sy nagpahayag na Siya ang daan, ang katotothanan, at ang buhay.  Ibig sabihin, ang katotohanan ay hindi lamang “ano,” kundi “sino.” Ang katotohanan ay may pangalan at mukha, at ang pangalang iyon ay Jesus. 

Paano masasabi nang buong tapang ni Jesus na Siya ang Katotohanan? Ito ay dahil ang katotohanan ay tinukoy bilang naaayon sa orihinal o may katotohanan. Sa Juan 1, nabasa natin:

Nang pasimula ay naroon na ang Salita, ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Juan 1:1-2 RTPV05 

Ano ang ibig sabihin nito? Si Jesus ay kasama ng Diyos noong simula pa lamang, at Siya ang Diyos! Kaya, si Jesus, higit sa sinuman o anupaman, ay naaayon sa Orihinal, sapagkat Siya angOrihinal! Nariyan na Siya sa simula pa lang. 

Kaya, dahil ang katotohanan ay nakagapos sa katauhan ni Jesus, may ilang mga bagay na maaari nating malaman na sigurado. Una, ang katotohanang iyon ay hindi relatibo. Ito ay relasyonal. Ibig sabihin, alam natin kung ano ang totoo batay sa ating ugnayan sa Kanya na Siyang Katotohanan. Sa madaling salita, ang katotohanan ay hindi anupaman na nais nating maging o batay sa kung ano ang nararamdaman natin o kahit na ano ang sinasabi ng kultura sa anumang naibigay na sandali. Ang katotohanan ay nakaugat kay Jesus, na nag-aanyaya sa atin na makipag-ugnayan sa Kanya. Malalaman natin ang Katotohanan sapagkat nakikilala natin si Jesus.

Hamon: Ang isang hakbang sa pagtuklas ng katotohanan sa mundong ito ay sa pamamagitan ng pagbubuo ng ugnayan kay Jesus, ang Orihinal. Paano ka makakagawa ng isang hakbang upang mabuo o mapalakas ang iyong kaugnayan sa Kanya ngayon? Sagutin ang katanungang ito sa anyo ng isang panalangin. Hilingin kay Jesus na katagpuin ka kung nasaan ka sa mga susunod na araw.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

What Is Truth?

Ito ba ang aking katotohanan o ang katotohanan? Ano ang mangyayari kapag magkasalungat ang dalawang iyon? Paano natin malalaman kung ang isang bagay ay totoo o hindi? Samahan kami sa susunod na pitong araw habang isinasaalang-alang natin ang ideya na ang katotohanan ay hindi isang abstraktong konsepto—ito ay isang tunay na tao. Isang taong may pangalan at mukha. Isang tao na nakikipag-ugnay, hindi nagbabago, nagbibigay ng buhay, at walang hanggang mapagmahal. Isang taong nagngangalang Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/