O Diyos, Paano naman ako?Halimbawa
Ipahiya ang Diyablo
Ipahiya ang Diyablo! Pahiyain siya ng iyong pananampalataya. Ilagay siya sa kahihiyan ng iyong buhay panalangin. Hayaang tanungin niya kung bakit ka ba niya ginulo pa. Hayaan siyang mapahiya sa pag-atake sa iyong isipan. Bigyan siya ng panablang-salakay sa pamamagitan ng pananalangin sa kabila ng sakit, sa pagpaplano sa kabila ng pagkabigo, sa pagkakaroon ng pananampalataya sa kabila ng nakikita ng iyong pisikal na mga mata.
Ang diyablo ay interesado sa ating pananampalataya. Wala talaga siyang pakialam tungkol sa iyong pamilya, sasakyan, kalusugan, edukasyon, atbp. Nais niyang patayin ang iyong pananampalataya. Ganyan niya magagawang pumatay, magnakaw, at magwasak.
Tandaan na kinakatagpo tayo ng Diyos sa paghihirap! Hayaang ito ang panahon na maging mas malalim ka sa kaunawaan kay Cristo. Magkaroon ng karanasan sa Kanya at ang biyaya ay sasagana. Pupunta ka sa harapan ng Diyos na naghahanap ng isang trabaho, isang bagong sasakyan, isang asawa, kagalingan ng iyong katawan, at makakakuha ka ng mas mabuti—ang Kanyang presensya!
Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay maaaring labis na makapagpalungkot sa iyo. Maaaring magmukha kang hibang, baliw, at hangal. Katulad ng sinabi ng isang matalinong lalaki, "Maaring hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas, ngunit alam ko kung sino ang may hawak ng bukas, at hinahawakan Niya ang aking kamay.”
Hindi Niya pinayagan ang anumang bagay na patigilin Siya sa pagliligtas ng iyong buhay, samakatwid maaari kang magtiwala na seryoso Siya nang sinabi Niya na hindi ka Niya pababayaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag nararamdaman natin na tayo ay nahuhuli sa buhay at ang tinig ng pagkukumpara ay lumalakas habang dumaraan ang mga araw, kadalasan ay hindi natin nakikita ang Diyos na kumikilos sa ating kalagitnaan. Sa mga sandaling ito natin higit na nagagamit ang ating pananampalataya. Basahin ang debosyonal na ito at mahikayat habang naghihintay sa Diyos.
More