Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

O Diyos, Paano naman ako?Halimbawa

God, What About Me?

ARAW 4 NG 5

Gumagana ba ang Aking Panalangin? 

May ipinakita ba sa iyong isang bagay at ang iyong tugon ay, “Hindi ITO ang pinag-ayuno ko!" Pinagkaitan mo ang iyong sarili ng pagkain, nanalangin, umiyak at pagkatapos ng lahat ng iyon, ang resulta ay kabaligtaran ng ipinapanalangin mo. Ang isang karanasan na katulad nito ay maaaring magtanong sa atin kung hihinto na lang ba tayo sa pananalangin at aasa na lang sa ibang mga bagay o ito ay maaaring magdulot sa atin na manalangin na lang ng "ligtas" na mga panalangin na hindi makakadagdag ng ating pananampalataya. 

Ang katotohanan ay, hindi tayo kailangan ng Diyos upang protektahan ang Kanyang reputasyon sa paghiling sa Kanya ng mga bagay na iniisip nating ligtas o simple. Sa kaisipang ito, nililimitahan natin ang kakayahan ng Diyos na gawin ang imposible at upang tunay na maipakilala ang Kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan sa mundong ito. Ipinakita sa akin ng Diyos na kung nananalangin ako ng mga bagay na kailangan ko, kahit na gaano kalaki o kaliit, pinapahalagahan ko ang aking paniniwala na Siya ay Diyos na may kakayahan at handa. Inihahanda ko rin ang puso ko na ibigay sa Kanya ang pasasalamat na karapat-dapat sa Kanya. Binalaan din ako ng Diyos, kamakailan lang, na ingatan ang aking takot sa kabiguan habang nananalangin. Ipinakita sa akin ng Diyos na ito ay maaaring isang direktang balakid sa aking mga panalangin. Ang Diyos ay tutugon, at kahit hindi Siya tumutugon sa paraan na inaasahan ko, alam ko na Siya ay maluluwalhati katulad ng sinasabi Niya sa Kanyang salita. 

Hindi natin kakayanin na laging payagan ang ating mga damdamin na gumabay sa ating panalangin. Ang ating mga damdamin ay maaaring agad na magdulot sa atin na manalangin para sa ikapipinsala ng kahit na sino na nasa "likod" ng pangyayari. Gayunman, kapag hinahanap natin ang kaalaman tungkol sa ating kalagayan mula sa Diyos, malalaman natin kung ito ay isang resulta ng kaaway o isang banal na gawa ng isang makapangyarihang lubos na nakaaalam na Ama.

Halimbawa, si Jesu-Cristo sa hardin ng Getsemani: habang Siya ay nananalangin, Siya ay hindi nananalangin laban sa mga Pariseo, o kay Judas na lumabas na "nasa likod" ng pagkakanulo sa Kanya. Ang Kanyang panalangin ay nakatuon sa kalooban ng Diyos, kahit sa Kanyang sakit. 

Kaya ang dapat na tanong, para kaninong KALOOBAN ang iyong mga panalangin?

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

God, What About Me?

Kapag nararamdaman natin na tayo ay nahuhuli sa buhay at ang tinig ng pagkukumpara ay lumalakas habang dumaraan ang mga araw, kadalasan ay hindi natin nakikita ang Diyos na kumikilos sa ating kalagitnaan. Sa mga sandaling ito natin higit na nagagamit ang ating pananampalataya. Basahin ang debosyonal na ito at mahikayat habang naghihintay sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan sina David at Ella sa pagbabahagi ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://davidnella.com