Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

O Diyos, Paano naman ako?Halimbawa

God, What About Me?

ARAW 3 NG 5

Habang Ako ay Naghihintay 

Habang ikaw ay naghihintay, alalahanin na bilang isang anak ng Kataas-taasang Diyos, bawat panahon ay iyong panahon. Ang pagkaunawang ito na panahon lang natin kapag ang mga bagay ay pabor sa atin ay hindi tama at nakalalason. 

Habang si David ay nagpapastol ng mga tupa, ito ay kanya ring "panahon" at nang si Jose ay makulong sa kasalanang hindi niya ginawa, ito ay kanya ring "panahon”. 

Habang tayo ay naghihintay, ang pisikal nating nakikita ang hahamon sa ating pananampalataya sa Diyos dahil hindi laging mayroong pisikal na katibayan kung ano ang pinaniniwalaan nating gagawin Niya. Sa mga panahong iyon tandaan na tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya hindi sa nakikita. Gumagawa tayo ng ating mga desisyon sa pundasyon ng pananampalataya sa Diyos, hindi sa limitasyon ng ating kasalukuyang sitwasyon. Habang tayo ay naghihintay, natutunan natin kung paano isuko ang ating kalooban—ang ating tiyempo kung paano mangyayari ang mga bagay-bagay—at maging ang ating mga layunin sa Diyos. Sa kanyang mga Kamay ang pinakaligtas na lugar, dahil Siya lang ang may kakayahang mamuhay ngayon, bukas, at sa susunod na taon.  

Ang paghihintay ay nagpapahayag kung ano at sino ang ating sinasamba. Ipinapahayag nito ang malalim na ugat ng ating mga takot at maging ang ating mga nakatagong paniniwalang nakababalisa. Nang ang mga Israelita ay naghihintay na makarating sa lupang pangako, sila ay naghanap ng agarang kaluguran dahil ito ang kanilang pinahahalagahan. Nais nilang bumalik sa pagkaalipin sa halip na maghintay at magtiis sa paglalakbay dahil sa kanilang mga puso sila ay sumasamba sa ibang diyos. 

Ang paghihintay ay hindi kailanman masasayang. Hindi ipinagkait ng Diyos ang Kanyang pangako sa mga Israelita—inihahanda Niya sila. Kapag nakikita mo ang iyong sarili na hindi nasisiyahan sa iyong sitwasyon, ano ang binabalingan mo? Ang sagot sa tanong na ito ay maghahayag ng maraming bagay kung ano ang nasa puso mo. 

Habang tayo ay naghihintay, inihahanda tayo ng Diyos sa kung ano ang darating. Bawat araw ang Diyos ay nangungusap ngunit kung tayo ay nakatuon sa hinaharap at nakakalimutan Siya na gumagabay sa atin hindi natin Siya maririnig. Samakatwid ang panahon ay lilipas, ngunit tayo ay mabibigo at walang alam katulad noong una dahil hindi tayo nakatanggap ng anumang direksyon sa Kanya na sinasabi nating pinaglilingkuran. 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

God, What About Me?

Kapag nararamdaman natin na tayo ay nahuhuli sa buhay at ang tinig ng pagkukumpara ay lumalakas habang dumaraan ang mga araw, kadalasan ay hindi natin nakikita ang Diyos na kumikilos sa ating kalagitnaan. Sa mga sandaling ito natin higit na nagagamit ang ating pananampalataya. Basahin ang debosyonal na ito at mahikayat habang naghihintay sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan sina David at Ella sa pagbabahagi ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://davidnella.com