Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

O Diyos, Paano naman ako?Halimbawa

God, What About Me?

ARAW 1 NG 5

Pakiramdam na Kinalimutan

Ang sakit na dulot ng pakiramdam na kinalimutan ng Diyos ay napakabigat na dalhin. Maaari mong subukang panatilihin ang kaunting pananampalataya na mayroon ka hanggang sa ganap na pagtanggi sa pananampalataya, dahil ang pagsisikap sa 'pagpapanatili ng pananampalataya' ay nagiging paalala sa lahat ng mga bagay na wala ka. 

Kahit na nararamdaman natin na tayo ay kinalimutan ng Diyos, mayroon ba Siyang kakayahan na kalimutan tayo?

Sinasabi ng Isaias 49:15 RTPV05, “‘Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali!’”

Samakatwid imposible para sa Diyos na kalimutan ka. Wala sa Kanyang kalikasan at sa kung sino Siya ang pumayag na gawin Niya ito. Maaari kang magtiwala sa Kanyang salita nang higit sa iyong nararamdaman, dahil Siya ay Diyos na nagtataas sa Kanyang salita higit sa Kanyang pangalan. Kaya kahit na pakiramdam natin na tayo ay iniwan ng Diyos kung minsan, hindi naman talaga. Ang pakiramdam, gayunman, ay hindi dapat balewalain. Ang pakiramdam na iniwan ay isang pagkakataon para sa atin na maranasan ang Kanyang presensya at kapangyarihan sa ating buhay sa mga paraan na hindi natin nakasanayan.

Bilang mga bagong magulang, natutunan namin na kahit na mahal namin ang aming anak na babae nang higit sa aming mga sarili, may mga pagkakataon na mararamdaman niya na hindi namin siya mahal batay sa kanyang limitadong pananaw at pang-unawa sa buhay. Hindi pa rin nito binabago ang hindi maipagkakailang katotohanan na kami ay lubos na nagmamahal sa kanya. Sa parehong paraan, ang ating Ama sa langit ay mayroong mga plano para sa atin, subalit ang mga planong iyon ay hindi palaging "magpaparamdam" sa atin na mahal tayo ng Diyos.  

Na magdadala sa tanong: Bakit pinagbabatayan natin ang katangian ng pagiging ama ng Diyos sa kung ano ang pisikal nating nakikita na ginagawa Niya sa atin o sa iba? Pag-isipan ito ng ilang sandali. 

Tila nakakalimutan natin na ang Diyos ay hindi nalilimitahan sa pisikal na mundong ito, hindi rin Siya nalilimitahan ng laman. Kahit na ang oras ay mayroong iisang amo at ang Kanyang pangalan ay Jehovah, na tinatawag ding, iyong Ama sa Langit. 

Tandaan na kahit na hindi ikaw ang taong pinili para sa trabaho, hindi ang tao na pinili nila para sa gampanin o promosyon, o hindi ang tao na pinili nila para makasama o pakasalan, ikaw pa rin ang pinili ng Diyos. Hindi natin ito maiaalis sa Diyos, dahil para sa Kanya, una Niya tayong minahal at pinili. 

Ang sariling ama ni David, si Jesse, ay hindi siya pinili nang si Samuel ay magtungo sa kanilang tahanan upang pahiran ang isa sa kanyang mga anak bilang hari. Hindi man lang naisip ni Jesse si David! Para bang pinahintulutan talaga ng Diyos si Jesse na ipakita kung sino ang kanyang pipiliin bilang hari mula sa kanyang mga anak. Pagkatapos ay namagitan ang Diyos at pinatunayan na ang isa na nakalimutan ay ang Kanyang pinili. 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

God, What About Me?

Kapag nararamdaman natin na tayo ay nahuhuli sa buhay at ang tinig ng pagkukumpara ay lumalakas habang dumaraan ang mga araw, kadalasan ay hindi natin nakikita ang Diyos na kumikilos sa ating kalagitnaan. Sa mga sandaling ito natin higit na nagagamit ang ating pananampalataya. Basahin ang debosyonal na ito at mahikayat habang naghihintay sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan sina David at Ella sa pagbabahagi ng gabay na ito.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://davidnella.com