O Diyos, Paano naman ako?Halimbawa
Tingnan ang mga Nagawa ng Diyos, Hindi Lang Ikaw
Si Marta at Maria, Ana, Jose, David, Job, Abraham, Sarah. Hindi Lang Ikaw.
Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa atin na maghintay. Mahalagang tandaan na ang mas matagal na paghihintay ay hindi indikasyon na ang Kanyang pagmamahal sa iyo ay kakaunti o ikaw ay hindi gaanong pinapaboran kaysa sa iba. Ito ay indikasyon ng isang Amang nakakaalam ng lahat na may mga plano na partikular na dinisenyo upang ang bawat isa sa Kanyang mga anak at ang kanilang layunin ay maging perpekto.
Sa Juan 11:5 RTPV05, ang talata ng mulilng pagkabuhay ni Lazaro ay nagsimula sa pagsasabing, “Mahal ni Jesus ang magkakapatid na Marta, Maria at Lazaro."
Pagkatapos ay sinabi ito, “Gayunman, nagpalipas pa siya doon ng dalawang araw mula nang mabalitaang may sakit si Lazaro." - Juan 11:6
Inaasahan natin na si Jesus ay kikilos nang mabilis, dahil sa ating limitadong pananaw iniisip natin na ang pag-ibig ay kikilos nang mabilis. Ngunit hindi, ang walang pasubaling pag-ibig ng Diyos ay kumikilos nang may layunin, sa layunin, para sa layunin.
Si Jesus ay nagpalipas ng dagdag na araw, hindi isa, ngunit dalawang araw.
Naniniwala tayo na isa sa mga dahilan sa Kanyang pagtugon ay dahil ang layunin ng Kanyang presensya sa partikular na sitwasyon ay upang buhaying muli si Lazaro, hindi ang pagalingin siya. Nais nila ng kagalingan, ngunit ang plano ng Diyos ay muling pagkabuhay.
Kaya, ang pag-ibig ni Cristo sa iyo ay hindi nakadepende kung gaano kabilis Siya kumilos para sa iyo, gaano kabilis na makuha mo ang tagumpay na iyon, gaano kabilis na makuha mo ang trabaho, gaano kabilis na makuha ang anupaman. Ang mabilis na resulta ay hindi nangangahulugan na ito ay sa Diyos! Ang mabilis na resulta ay hindi rin nangangahulugan na hindi ito sa Diyos. Ang pagiging malapit sa Diyos ang magpapahayag sa iyo kung talaga bang mga kamay ng Diyos ang nag-ayos sa kung ano ang nakikita mo.
[even]Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag nararamdaman natin na tayo ay nahuhuli sa buhay at ang tinig ng pagkukumpara ay lumalakas habang dumaraan ang mga araw, kadalasan ay hindi natin nakikita ang Diyos na kumikilos sa ating kalagitnaan. Sa mga sandaling ito natin higit na nagagamit ang ating pananampalataya. Basahin ang debosyonal na ito at mahikayat habang naghihintay sa Diyos.
More