Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Billboard BeautyHalimbawa

Billboard Beauty

ARAW 5 NG 5

Real beauty

Ngunit sa kabila nito, nakakalungkot isipin na ang mga kalalakihan at kababaihan ay naniniwala sa pantasyang inihahain ng makapangyarihang industriyang ito. Hinuhusgahan nila ang kanilang sarili base sa pamantayang idinidikta nito sa kanila.

Iyon ang kinalakihan kong paniniwala. Alam kong hindi ako nag-iisa.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, nakikita ko ang isang dalagang pinaunat ang buhok, pinudpod ng pampaputi ang balat, kinalyo ng high heels ang talampakan, pinapayat ng diyetang nagpapaliit ng tiyan. Kabilang ako sa nakararami.

Malungkot kong aalisin ang tingin ko sa salamin, lalabas ako ng bahay at titingalain na ang mga naggagandahang babae sa mga billboard. Tititigan ko sila ngunit hindi na nila ako titignan pabalik.

Mapapaisip na lang ako na sila na nasa billboard ay hindi buhay. Mga pantasya lamang sila na iginuhit ng isang makapangyarihang industriya. Doon ko na lang maiisip na sana ay hindi na lang ako naniwala sa sinabi nila.

Kaya naman, sa halip na sila ang tingalain, titingala na lang ako sa langit at tatandaan ang nabasa ko sa Bible at doon ko sasabihing, “Oo nga. Ako nga ay maganda.” At hindi ko na kailangan humanay sa mga babae sa billboard para patunayan iyon.

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Billboard Beauty

Marami sa mga kababaihan ang naniniwalang hindi sila maganda dahil sa pamantayan na ipinapakita ng media. Alamin ang kuwento ng isang dalagang iyon din ang naging paniniwala at kung ano ang nagawa ng Bibilya para sa kaniya. Ang ‘Billboard Beauty’ ay isinulat ni Melinda Ramo, isang news reader sa Far East Broadcasting Company at manunulat sa www.rightnow.ph.

More

Mababasa ang kuwentong ito at iba pang kuwento at tips para sa mga kabataan sa Right Now Philippines, an affiliate of Far East Broadcasting Company for the Youth