Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Billboard BeautyHalimbawa

Billboard Beauty

ARAW 4 NG 5

Beauty and the Media

Totoo ang mga panayam ko kanila Alliana at Kira (hindi nila tunay na pangalan). Hindi nga lang ako sigurado sa reaksyon ng audience tungkol sa mga sinabi nila. Papalakpak at hihiyaw ba sila sa pagsang-ayon? Hindi ko masasabi.

Nakita ko kung gaano kalawak ang kahulugan ng kagandahan. Naisip kong ang konsepto ko ng ‘maganda’ ay nakabase sa kung anong depinisyon nito ang papaniwalaan ko.

Naisip ko lang, kung ang depinisyon ng midya ang susundan ko, dadalhin ako nito sa walang katapusang giyera laban sa sarili kong itsura. Mapanlinlang at masyadong mataas ang pamantayan nito at isang bahagi lamang ng realidad ang ipinapakita: isang pantasyang ang pisikal na katangian ay perpekto at laging nasa ayos.

Sa paghahanap ko, may nabasa ako sa Bible:

“What matters is not your outer appearance—the styling of your hair, the jewelry you wear, the cut of your clothes—but your inner disposition. Cultivate inner beauty, the gentle, gracious kind that God delights in.” 1Peter 3:3-4 MSG

Madali tayong pinapaniwala ng midya na ang katawan ng tao ay isang proyekto na dapat gawing perpekto at ang sinumang hindi papasa sa pamantayan nito ay dapat gumawa ng paraan.

Makapangyarihan ang midya at alam nila ito. Kaya naman, nagagamit nila ang kapangyarihan nilang makapanghikayat upang ibenta sa atin ang isang pantasya ng kagandahan at ang mga 'paraan' upang makamit natin ito. Dapat maging mulat tayo na hindi lahat ng nakikita natin sa midya ay ang mukha ng realidad.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Billboard Beauty

Marami sa mga kababaihan ang naniniwalang hindi sila maganda dahil sa pamantayan na ipinapakita ng media. Alamin ang kuwento ng isang dalagang iyon din ang naging paniniwala at kung ano ang nagawa ng Bibilya para sa kaniya. Ang ‘Billboard Beauty’ ay isinulat ni Melinda Ramo, isang news reader sa Far East Broadcasting Company at manunulat sa www.rightnow.ph.

More

Mababasa ang kuwentong ito at iba pang kuwento at tips para sa mga kabataan sa Right Now Philippines, an affiliate of Far East Broadcasting Company for the Youth