Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Billboard BeautyHalimbawa

Billboard Beauty

ARAW 3 NG 5

Campaign for Real Beauty

Sari-saring reaksyon ang manggagaling sa studio audience. Maging sila ay aaming minsan ay hindi maganda ang tingin nila sa sarili.

Babalikan ko ang pakikipanayam kay Kira.“Pamilyar ka ba sa kampanya ng Dove noong 2004? ‘Campaign for Real Beauty’ ang ibinansag nila dito.” Tatango siya. Mananahimik ang audience.

Ipapakita ang statistics sa screen at muli kong babasahin ang script. “Alam niyo ba na sa lahat ng lumahok sa kampanyang ito sa buong mundo, 2% lamang ang nagsasabing sila ay maganda?” sambit ko nang may kalungkutan sa tinig (para madrama). “Gayunpaman, 81% ang naniniwalang hindi makatotohanan ang pamantayan ng kagandahang ipinapakita sa midya. At 75% ang nagnanais ng pagbabago sa paraan ng pagpapakita ng midya ng kagandahan.”

Ibabaling ko ulit ang atensiyon kay Kira. “Ano ang maipapayo mo sa mga manonood tungkol dito?”

Aayusin niya ang mikropono at sasabihing, “Huwag kayong magpapauto sa sinasabi ng media. Maganda kayo. Hindi niyo lang nakikita iyon kasi kung anu-anong konsepto ng kagandahan ang ipinapasok sa inyo ng mundo. Hindi ninyo makikita iyong kagandahan na iyon kung hindi niyo matututunang mahalin muna ang sarili ninyo.“

Papalakpak ang audience. Ngingiti si Kira sa camera. Kakamayan ko siya. Sisigaw ng “Cut!”si Direk. Titigil ang camera. Papatayin ang ilaw. Tapos na ang programa.

Tapos na rin ang ilusyon.
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Billboard Beauty

Marami sa mga kababaihan ang naniniwalang hindi sila maganda dahil sa pamantayan na ipinapakita ng media. Alamin ang kuwento ng isang dalagang iyon din ang naging paniniwala at kung ano ang nagawa ng Bibilya para sa kaniya. Ang ‘Billboard Beauty’ ay isinulat ni Melinda Ramo, isang news reader sa Far East Broadcasting Company at manunulat sa www.rightnow.ph.

More

Mababasa ang kuwentong ito at iba pang kuwento at tips para sa mga kabataan sa Right Now Philippines, an affiliate of Far East Broadcasting Company for the Youth