Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Iyong mga Unang HakbangHalimbawa

Your First Steps

ARAW 5 NG 5

PAMAYANAN

Hindi ka nag-iisa dito.

Gumawa ka ng pagpili upang mamuhay sa isang bagong uri ng buhay—isang buhay na nakatalaga sa pagsunod kay Jesus, at ito ay parang tunay na mahirap.

At gayon nga.

Ngunit hindi ka nag-iisa.

Una, hindi ka kailanman iiwan ni Jesus. Siya ay ganap na nakatalaga sa iyo, at hindi Niya kailanman tatalikuran ang pangakong iyon.

At pangalawa, hindi ka lamang inanyayahan ni Jesus sa isang bagong buhay, subalit sa isang bagong pamilya. Binibigyan ka Niya ng isang bagong pamayanan na sasalihan. Tinatawag natin itong Simbahan.

At ang simbahan ay maaring magulo dahil ang mga tao ay magulo.

At ang simbahan ay maaaring may kapintasan dahil ang mga tao ay may kapintasan.

At ang simbahan ay maaaring maganda dahil ang mga tao ay maganda.

Kapag ang simbahan ay nasa pinakamahusay nito, ito ay himala—isang kalipunan ng Langit dito sa lupa. Hinihikayat natin ang bawat isa, itinutulak ang bawat isa na lumago habang sumusunod kay Jesus. Pinapanagot natin ang bawat isa, at itinuturo nang may pagmamahal ang bawat isa palayo sa mapanirang mga gawi at paraan at bumalik sa landas ni Jesus.

Sumali sa isang simbahan; makibahagi. Huwag umasa sa pagiging perpekto, dahil tutal hindi ka perpekto.

Ngunit kung ito ay isang simbahan na nakasentro kay Jesus at nakatalaga na ipamuhay ang Kanyang daan sa iyong kapitbahayan, ito ay isang pamilya na karapat-dapat na salihan.

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Your First Steps

Ikaw ay nagpasyang sumunod kay Jesus, ano ang mga susunod na gagawin? Ang gabay na ito ay hindi kumpletong listahan ng lahat ng may kaugnayan sa pasyang iyan, ngunit makakatulong ito sa iyo na gawin ang mga unang hakbang.

More

Nais naming pasalamatan ang So-Cal Youth Ministries - AG sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://youth.socalnetwork.org