Ang Iyong mga Unang HakbangHalimbawa
MAGPATAWAD
Ang pagpiling sumunod kay Jesus ay hindi lamang nagtatakda sa iyo sa isang bagong landas; ibig sabihin, hindi na tinitingnan ni Jesus ang iyong nakaraan. Sa madaling salita, pinatawad ka na Niya.
Ang mapatawad ay sadyang isang mapagpalayang karanasan. Ang mabuhay nang walang kahihiyan at pagsisisi ay nangangahulugang maaari tayong mabuhay nang may kagaanan at kaluwagan.
At ang pinakamagandang bahagi: hindi mo kailangang pagpaguran ang pagpapatawad ng Diyos; Ibinibigay Niya ito nang walang kabayaran.
Subalit, may dalawang kinakailangan upang mapatawad.
- Kailangang mong aminin nang may kababaang-loob na kailangan mo ng kapatawaran.
- Kailangan mong magpatawad ng iba.
Hindi tayo maaaring tumanggap ng di karapat-dapat na biyaya habang may sama ng loob pa tayo sa kapwa. Ang mapatawad ay nangangahulugang ikaw ay malaya na ring magpatawad. Hindi mo na kailangan maging matuos. Pinatawad ka na ng Diyos sa lahat ng iyong kasalanan at inuutusan ka rin Niyang gawin din iyon.
Mas maaga mong piliing magpatawad, mas maaga mong matatagpuan ang kalayaan. Maging tulad ni Jesus: pinatawad ka Niya, ngayon ay patawarin mo ang iyong kapwa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ikaw ay nagpasyang sumunod kay Jesus, ano ang mga susunod na gagawin? Ang gabay na ito ay hindi kumpletong listahan ng lahat ng may kaugnayan sa pasyang iyan, ngunit makakatulong ito sa iyo na gawin ang mga unang hakbang.
More