Ang Iyong mga Unang HakbangHalimbawa
MANALANGIN
Kinuha ko ang klaseng ito sa matematika minsan kung saan nagsimula naming pag-usapan ang mga algorithm at coding. Kung gusto mong mag-code ng computer, kinakailangan mong maging napakapartikular. Upang matulungan kaming maunawaan, ipinalarawan sa klase ng aming tagapagturo, isa-isa, kung paano gumawa ng peanut butter at jelly sandwich.
Upang maging matagumpay, kinakailangan naming dumaan sa mahirap na antas ng detalye . . .
Buksan ang garapon ng peanut butter.
Ilagay ang takip sa mesa sa tabi ng garapon ng peanut butter .
Kunin ang kutsilyong pangmantikilya.
Ilubog ang kutsilyong pangmantikilya sa bukas na garapon ng peanut butter.
Atbp., atbp., atpb.
Ang paggawa ng sandwich ay hindi dapat maging kumplikado!
Kung minsan, ginagawa nating napakakumplikado ng panalangin. Kung ikaw ay sumusunod kay Jesus, ang panalangin ay magiging regular na bahagi ng iyong buhay, hindi dahil sa iyong tungkuling panrelihiyon, kundi dahil sa kung ano talaga ang panalangin.
Ang panalangin ay pakikipag-usap; ito ay pagbibigay ng panahon upang ipahayag sa Diyos (nang tapat) ang mga bagay na iyong nararanasan.
Ang panalangin ay pagninilay; ito ay pagiging mapayapa, at pagbibigay ng pansin sa iba't-ibang paraan na nangungusap ang Diyos at gumagawa sa iyong buhay.
Ang panalangin ay pagpapasalamat; ito ay pagiging mapagpasalamat para sa buhay na ibinigay sa iyo ng Diyos.
Ang panalangin ay pagsasaayos; ito ay pagsasaayos ng iyong buhay sa kung ano ang nais ng Diyos sa halip na sa ating sariling pagnanais.
Huwag gawin itong kumplikado; gawin itong tapat. Ang panalangin ay hindi kailangang mahaba, ngunit mas regular mong nasasanay ang panalangin, mas magnanais ka ng panahon kasama ang Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ikaw ay nagpasyang sumunod kay Jesus, ano ang mga susunod na gagawin? Ang gabay na ito ay hindi kumpletong listahan ng lahat ng may kaugnayan sa pasyang iyan, ngunit makakatulong ito sa iyo na gawin ang mga unang hakbang.
More