Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Iyong mga Unang HakbangHalimbawa

Your First Steps

ARAW 1 NG 5

BAGO

Noong ako ay nasa ika-apat na baitang, ako ay finalist ng paligsahan sa heograpiya sa buong paaralan. Tama, ang aking paaralan ay may mas hindi kaakit-akit na paligsahan kaysa sa spelling. Ako ay nasa ikatlong puwesto. Pagkatapos, dumating ang tanong sa akin. Ang pinakamahirap na tanong na aking natanggap sa buong araw na iyon.

At hindi ko iyon nakuha nang tama.

Ang masama pa, alam ko ang sagot sa sumunod na dalawang tanong, ang mga tanong na magpapasiya kung sino ang nasa una at pangalawang puwesto. Kung ang mga tanong ay itinanong na naiiba nang bahagya ang pagkasunod-sunod, nanalo sana ako.

Hindi ko kailanman hinangad ang pangalawang pagkakataon na gaya ng ginawa ko noong araw na iyon.

Sa pamamagitan ng pagpili kay Jesus, magkakaroon ka ng higit kaysa sa pangalawang pagkakataon, magkakaroon ka ng isang buong bagong buhay.

Kapag pinili mong sumunod sa Kanya, ang iyong dating buhay ay maglalaho, at ang isang bagong buhay ay magsisimula.

Hindi lamang isang pangalawang pagkakataon—isang bagong buhay.

Ang ibig bang sabihin nito ay hindi mo na kailangang harapin ang mga kahihinatnan ng mga naunang pagpapasiya? Hindi, pero nangangahulugan ito na ang bagong bersyon mo, na may isang buong bagong kalikasan, ngayon ay may pagkakataon na sumulong.

Ang paggawa ng iyong mga unang hakbang sa pagsunod kay Jesus ay gagawin kang ganap na bagong tao. Yakapin ang iyong bagong pagkakakilanlan, ipagdiwang ang iyong bagong buhay, at gamitin ito upang ipakita sa mundo na si Jesus ay mas mabuti kaysa sa pangalawang pagkakataon.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Your First Steps

Ikaw ay nagpasyang sumunod kay Jesus, ano ang mga susunod na gagawin? Ang gabay na ito ay hindi kumpletong listahan ng lahat ng may kaugnayan sa pasyang iyan, ngunit makakatulong ito sa iyo na gawin ang mga unang hakbang.

More

Nais naming pasalamatan ang So-Cal Youth Ministries - AG sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://youth.socalnetwork.org