Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Iyong mga Unang HakbangHalimbawa

Your First Steps

ARAW 3 NG 5

MAGBASA

Karagdagan pa, parang mas maraming mga opinyon kaysa sa mga tao. At ang lahat ng mga opinyon na ito ay patuloy na lumilipat at nag-iiba. Sa totoo lang, napakahirap talagang makipagsabayan.

Ang pagbabago ng pananaw ng kultura ay nagdudulot ng katanungan, “Ano ang katotohanan?”

Kung ikaw ay susunod kay Jesus, kinakailangang iangkla mo ang iyong buhay sa katotohanan. Ito ang isa sa pangunahing mga kadahilanan na nagiging iba ang mga Cristiano kaysa sa mga tao na hindi sumusunod kay Jesus: isinusuko natin ang ating buhay upang ipamuhay ang katotohanan ng kautusan. Tayo ay hindi ang mga tao na nadadala ng indayog ng mga opinyon; sa halip tayo ay nagsisikap upang iayon ang ating buhay sa kung ano ang itinuturo ng Biblia.

At mayroong tanging paraan upang gawin iyan:

Magbasa.

Makinig.

Mag-aral.

Kung susundin natin si Jesus, dapat ay maging pamilyar tayo sa turo ng kasulatan, at iayon ang ating buhay sa kung ano ang itinuturo nito sa atin. Tayo ay dapat mamuhay bilang tugon sa katotohanan, hindi sa pamamagitan ng reaksyon sa kultura.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Your First Steps

Ikaw ay nagpasyang sumunod kay Jesus, ano ang mga susunod na gagawin? Ang gabay na ito ay hindi kumpletong listahan ng lahat ng may kaugnayan sa pasyang iyan, ngunit makakatulong ito sa iyo na gawin ang mga unang hakbang.

More

Nais naming pasalamatan ang So-Cal Youth Ministries - AG sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://youth.socalnetwork.org