Higit pa sa NormalHalimbawa
Mga Masamang Gawi
Gustuhin man natin o hindi, lahat tayo ay mayroong mga masamang gawi. Yung mga bagay na ating ginagawa o sinasabi na pinagsisisihan natin. Mayroong mga gawing mahirap na itigil at iba na sobrang hirap putulin. Maaari tayong madaling nadadala ng katamaran o tsismis, o di kaya'y nagkaroon ng gawing malulong sa droga o inumin.
Kung anuman ang mga ito, marahil tayo ay naging kumportable sa ilang gawi sa ating mga buhay, o iniisip nating napakahirap nitong pagtagumpayan. Bakit napakahirap magbago? Tinukoy ito ng Apostol Pablo sa Mga Taga-Galacia 5:16-17. Sinasabi niya rito sa atin “ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay” dahil ang nais natin ay ang “laban sa kalooban ng Espiritu.” Samakatuwid, ang alam nating tama at alam nating mali ay naglalaban sa isa't-isa. Kung kaya, kapag sinusubukan nating gawin ang tama, mayroong labanan sa loob natin na sinusubukang pigilan tayong gawin iyon. Maaari rin nating sabihing ang normal ay nakikipaglaban sa higit pa sa normal. Narito ang ilang aralin mula sa pagbasa ng Biblia sa araw na ito:
Ang normal ay umaayon sa mundo, ngunit ang higit pa sa normal ay nagpapanibago ng isipan.
Ang normal ay nahuhulog sa tukso, ngunit ang higit pa sa normal ay nagtitiwala sa Diyos para sa paraan upang makatakas.
Ang normal ay nagbibigay-daan sa pita ng laman, ngunit anghigit pa sa normal ay lumalakad ayon sa Espiritu ng Diyos.
Ang normal ay nadadaig ng pagkabalisa, ngunit anghigit pa sa normal ay nagdarasal para sa kalakasan at patnubay.
Ang normal ay pumapayag na manaig ang kasamaan, ngunit anghigit pa sa normal ay nagpapasakop sa Diyos.
Ang normal ay isinasawalang bahala ang kasalanan, ngunit anghigit pa sa normal ay nagsisisi at nakatatanggap ng kapatawaran.
Ang puno't dulo ng lahat tungkol sa ating mga masasamang gawi ay kung ang ating atensiyon ay nakatuon sa pagsugpo ng mga ito, mahirap kapag iyon lamang ang gagawin. Ngunit, kung tayo ay magsusumikap na gawing maayos ang ating mga buhay, marami sa ating mga masasamang gawi ay mawawala. Kung saan tayo nakatuon ang siyang magiging malakas sa ating mga buhay.
Sinasabi ni Pastor Craig Groeschel, “Kung ito ay importante sa iyo, gagawa ka ng paraan, kung hindi, gagawa ka ng dahilan.” Sa halip na gumawa ng mga dahilan tungkol sa ating di-masustansiyang pagkain o sa paraan ng ating pananalita, humanap tayo ng paraan upang lumago mula sa normal tungo sa higit pa sa normal. At ang pinakamahusay na paraan upang magapi ang mga masasamang gawi ay patuloy na panibaguhin ang ating mga isipan sa pamamagitan ng pag-iisip sa mga bagay na nakasaad sa Mga Taga-Filipos 4:8 (RTVP05)—mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Ang ating mga kilos ay di magbabago hangga't ang ating mga isipan ay di nagbabago.
Anong mga masasamang kinagawian ang patuloy mong pinaglalabanan? Mayroon bang mga kilos o salita na normal sa iyo ngunit hindi kapaki-pakinabang? Kung hindi ka sigurado kung alin ang kailangang tanggalin, hilingin sa Diyos na ihayag sa iyo kung alin ang kailangang baguhin upang ikaw ay makapamuhay nang higit pa sa normal.
Tungkol sa Gabay na ito
Ang ibig sabihin ng normal ay ang pagtataguyod ng isang kilalang pamantayan, subalit ang mundo ay napupuno ng bilyong tao na pambihira at magkakaiba. Kadalasan, ang normal ay ang mas pinipiling lugar kung saan "mamumuhay," ngunit ang totoo, hindi ito laging mabuti. Sa Gabay na ito, ating pag-aaralan ang Salita ng Diyos kung papaano malalampasan ang normal na pamumuhay at gumawa ng pagbabago para tayo ay mamuhay nang higit pa sa normal.
More