Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Higit pa sa NormalHalimbawa

Better Than Normal

ARAW 4 NG 5

Mga Relasyon

Ang mga relasyon ay bahagi ng lahat ng ating buhay. Ang iba ay magagandang relasyon, habang ang iba naman ay hindi. Minsan, ramdam natin ang pagiging malapit sa mga taong hindi natin kadugo, ngunit malayo sa ating pamilya mismo.

Sa loob ng mga relasyong ito, natutunghayan natin ang kabutihan sa buhay ng mga taong ating minamahal, ngunit kinakailangan din nating danasin ang kahirapan—tulad ng sakit, pagkakanulo, at pagkasiphayo (ilan lamang sa mga ito). At ang normal na paraan na pagtugon ng maraming mga tao kapag ang mga bagay na ito ay nangyayari ay ipagkait ang kapatawaran, maghiganti, at hindi magpakita ng awa.

Kapag ang isang tao ay gumawa ng isang bagay na nakakasakit sa atin o nagdudulot ng hinanakit sa atin, madalas na itinuturing natin itong personal na atake sa atin. Inaakala natin na nais nilang saktan tayo, at minsan, ganun nga. Ngunit, kadalasan, tayo ay mga di-perpektong tao na sadyang...imperpekto.

Karagdagan pa sa kung paano tayo tinatrato ng ibang tao, kailangan din nating suriin kung paano ang ating pakikitungo sa iba. Pinapatibay ba natin ang iba sa pamamagitan ng ating mga salita o sinisira sila? Mabait lang ba tayo sa mga taong may pakinabang tayo, o tinatrato natin ang lahat nang may karangalan at paggalang? Ibinibigay ba natin ang ating puri sa sinumang ating katipan, o ipinagpapaliban ito upang makipagtalik lamang sa ating asawa sa hinaharap?

Nagbahagi si Apostol Pablo ng tiyak na tagubilin sa Mga Taga-Roma 12:9-18 patungkol sa kung paano natin isasagawa ang ating mga relasyon. Sinasabi niya na tayo ay tinawag upang mahalin ang isa't-isa bilang magkakapatid, igalang ang bawat isa higit pa sa paggalang sa ating sarili, magbahagi sa mga nangangailangan, at ang pinakamahirap na bahagi... huwag gumanti ng kasamaan kapag may nanakit sa atin.

Pagdating sa ating mga relasyon, tingnan natin ang magkakasalungat na mga ideya na makikita natin sa kung ano ang tinatanggap bilang normal at kung ano ang maaaring higit pa sa normal:

Ang normal ay pag-iwan sa pagkakaibigan kapag may maling nagawa, ngunit ang higit pa sa normalay nagpapatawad.
Ang normal ay nagpapahintulot na ang mga maliliit na bagay ay lumikha ng pagkasihapyo, ngunit ang higit pa sa normal ay matiyaga.
Ang normal ay nagpapadaig sa tukso, ngunit ang higit pa sa normal ay pumipili sa kadalisayan.
Ang normal ay ang pakikipagtalo kapag may mga pagkakaiba, ngunit ang higit pa sa normal ay lumilikha ng mga tulay.
Ang normal ay pagtingin sa sariling kapakanan, ngunit ang higit pa sa normal ay pag-iisip sa iba. 
Ang normal ay pagbibiro na nakapipinsala sa iba, ngunit ang higit pa sa normal ay pagsasalita nang may paggalang.

Nahihirapan man tayo o hindi sa ating mga relasyon, alam natin na ang normal ay hindi palaging nakabubuting lugar, ngunit ito ay mas komportable kaysa sa hindi natin nalalaman. Kung kaya, mas piliin nating maging mas higit pa sa normal sa ating pagmamahal at pamumumuhay kasama ang mga tao na nakapaligid sa atin.

May mga relasyon ka ba na hindi maayos? Isipin ang mga tao sa iyong buhay at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa kanila. Pagpasyahan kung ano ang mabuti at kung ano ang nararapat na magbago upang masiguro na ang iyong mga relasyon ay nagbibigay karangalan sa Diyos.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Better Than Normal

Ang ibig sabihin ng normal ay ang pagtataguyod ng isang kilalang pamantayan, subalit ang mundo ay napupuno ng bilyong tao na pambihira at magkakaiba. Kadalasan, ang normal ay ang mas pinipiling lugar kung saan "mamumuhay," ngunit ang totoo, hindi ito laging mabuti. Sa Gabay na ito, ating pag-aaralan ang Salita ng Diyos kung papaano malalampasan ang normal na pamumuhay at gumawa ng pagbabago para tayo ay mamuhay nang higit pa sa normal.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion