Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Higit pa sa NormalHalimbawa

Better Than Normal

ARAW 2 NG 5

Salapi

Ang mundo ay puno ng mga bagay na nais pumukaw ng ating pansin. Kahit saan tayo lumingon, makikita natin ang mga bagay na tila nagsasabing, “Bilhin mo ako!” o di kaya'y, “Kailangan mo ako!”Maaari tayong masidhing mabitag ng mga materyal na pag-aari na bumili nang bumili ng mga bagay na hindi naman kasama sa pinansiyal na plano. At hindi natin namamalayan, tayo'y nasa isang nakapipinsalang relasyon na sa salapi at pag-aari, at hindi natin alam kung paano makawala rito. Ito ay “normal” na pamumuhay para sa maraming tao.

Ang pamamaraan ng paggastos at pamamahalang ito ng salapi ay walang kahahantungang maganda. Halimbawa, kung normal na ubusin ang kinita at hindi nag-ipon ng pera para sa oras ng kagipitan. Karaniwan din ang pangungutang at hindi pagbabayad. Naging “normal” ang pag-iisip na basta kaya natin ang kabayaran, ayos lang ang lahat.

Sa totoo lang, maraming nasasabi ang Biblia patungkol sa paksa ng salapi. Sa katunayan, ito ang isa sa mga pinaka-pinaguusapan sa buong aklat! Ang ilang bagay na sinasabi ng Biblia patungkol sa salapi ay na hindi ito makakapagpasaya sa atin (Ang Mangangaral 5:10), at ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala (Mga Kawikaan 13:11). 

Sa Mateo 6:19-24, Nagturo si Jesus patungkol sa salapi at nagbabala sa atin laban sa pag-iipon ng makamundong “mga kayamanan.” Sa halip, hinahamon Niya tayo na magtamo ng “makalangit” na mga kayamanan, dahil ito ay hindi matatapos at hindi masisira. Sinabi ni Jesus na ang ating puso ay susunod sa kung saan natin inilagay ang ating kayamanan. Ang Kanyang huli at pinakamakapangyarihang pangaral sa atin ay na tayo'y “hindi makakapaglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan” (Mateo 6:24 RTPV05).

Maaari nating patuloy na gawin ang mga nakikita natin sa mundo, o di kaya'y baguhin ito at mamuhay ng higit pa sa normal

Ang normal ay nakatuon sa pag-iipon, habang ang higit pa sa normal ay nagbibigay sa iba.
Ang normal ay hinahayaan ang pamumuno ng salapi, habang ang higit pa sa normal ay paghahanap ng pamumuno ng Diyos.
Ang normal ay pag-angkin ng 100% ng ating kita, habang ang higit pa sa normal ay pagtitiwala sa Diyos sa 90%.
Ang normal ay hindi pag-iisip ng hinaharap, habang ang higit pa sa normal ay nabubuhay nang may plano.
Ang normal ay pagiging alipin ng utang, habang anghigit pa sa normal ay nag-iipon upang makabayad ng buo.
Ang normal ay nag-iisip ng pangkasalukuyan, habang ang higit pa sa normal ay namumuhunan para sa panghinaharap.

Ang salapi ay hindi isang masamang bagay kung sa kanya lamang, ngunit kung hahayaan natin itong maging diyos natin, sisirain nito ang ating mga buhay. Ang salaping ating kinikita ay dapat isang bagay na ating ginagamit at hindi gumagamit at kumokontrol sa atin. 

Paano kung ayusin natin ang ating normal na pag-iisip na magkaroon ng higit pa sa normal na pag-iisip? Gumugol ng ilang sandali upang pagmuni-munihan ang iyong relasyon sa salapi at tingnan kung ano ang kailangang baguhin.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Better Than Normal

Ang ibig sabihin ng normal ay ang pagtataguyod ng isang kilalang pamantayan, subalit ang mundo ay napupuno ng bilyong tao na pambihira at magkakaiba. Kadalasan, ang normal ay ang mas pinipiling lugar kung saan "mamumuhay," ngunit ang totoo, hindi ito laging mabuti. Sa Gabay na ito, ating pag-aaralan ang Salita ng Diyos kung papaano malalampasan ang normal na pamumuhay at gumawa ng pagbabago para tayo ay mamuhay nang higit pa sa normal.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion