Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Higit pa sa NormalHalimbawa

Better Than Normal

ARAW 3 NG 5

Trabaho

Ang trabaho ay isang mabuting bagay na ibinigay ng Diyos sa ating lahat. Ang mga kabataan ay nagtratrabaho sa paaralan at may mga gawain sa bahay. Ang mga binatilyo at dalagita ay nagsasanay sa mga laro, habang ang iba ay nagkakamit ng kanilang unang trabaho. Ang mga matatanda ay nagpapalaki ng mga anak, naglilingkod sa iba, at nagpapatakbo ng mga kumpanya. Ang iba sa atin ay umaalis para magtrabaho nang malayo sa ating mga tahanan, at ang iba sa atin ay hindi. Ang iba sa atin ay nababayaran upang magtrabaho ang iba naman ay hindi. At ang iba sa atin ay mahal ang ating trabaho, at ang iba sa atin ay hindi. Kung anupaman ang ating ginagawa o paano man tayo nagtratrabaho, ibinigay ng Diyos sa atin ang kaloob na ito upang matustusan ang mga pangangailangan ng ating mga pamilya at upang makagawa ng kaibhan sa mundo. 

Habang ang ating trabaho ay kaloob na galing sa Diyos, minsan tayo ay nagkakaroon ng di malusog na relasyon dito (katulad nang sa salapi). Halimbawa, ang ibang tao ay sobra sa pagtratrabaho sa puntong pagka-upos, na maaring maghantong sa malubhang karamdaman. Sa ibang pagkakataon, tayo ay nakikibaka sa hindipagtratrabaho, pinili man nila o dahil sa mga pagkakataong wala sa ating kapangyarihan. Ang pagsusumikap sa trabaho at pagpapahinga ay kapwa napakahalaga, ngunit sa huli, dapat tayong humanap ng isang higit pa sa normal na pananaw at etika sa pagtratrabaho pagdating sa kung gaano karami ang kaya nating magawa. 

Tunghayan natin ang kaibahan ng normal at ng higit pa sa normal patungkol sa ating buhay pagtratrabaho:

Ang normal ay paghahanap ng pagkakakilanlan sa trabaho, habang ang higit pa sa normal ay nalalaman kung sino tayo kay Cristo.
Ang normal ay pagpili sa sobrang pagtatrabaho, habang ang higit pa sa normal ay nalalaman kung kailan magsasabi ng “hindi.” 
Ang normal ay pagtanggap sa kapaguran, habang ang higit pa sa normal ay nagpapahalaga sa pagpapahinga.
Ang normal ay paghahanap ng paraan upang maiwasan ang mahirap na gawain, habang ang higit pa sa normal ay nagpupursige.
Ang normal ay pagtingin sa ating ginagawa, habang ang higit pa sa normal ay pagtingin sa layunin ng ating pagtatrabaho.
Ang normal ay paggawa ng sakto-sakto lang, habang ang higit pa sa normal ay pagtratrabaho nang may katapatan.

Ang mga taong nabubuhay sa planetang ito ay natatangi at nagkakaiba-iba. Kahit anupaman ang pamamaraan natin sa pagtatrabaho, ang punto ay piliin nating magtrabaho nang mabuti sa kung anuman ang ating gawain. Ang pinakamabuting paraan para gawin ito ay ituring na tayo ay nagtatrabaho para sa Diyos. 

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. (Mga Taga-Colosas 3:23 RTPV05)

Kahit anuman ang hitsura ng ating mga iskedyul sa trabaho at mga gawain, ating ituring na amo si Jesus.Tama, tayo ay nararapat na magtrabaho nang mahusay at magbigay galang sa ating mga pinagtatrabahuan. Ngunit ang paglalagay kay Jesus na una sa ating mga isipan ay higit na mas mabuti dahil maaari tayong magbigay ng karangalan sa Kanya sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang mabuti at pamamahinga. 

Sa anong mga paraan mo nararamdamangikaw ay maayos, at sa anong paraan mo nakikitang kailangan ng pagbabago? Gumugol ng oras upang pag-isipan ang iyong buhay pagtatrabaho. 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Better Than Normal

Ang ibig sabihin ng normal ay ang pagtataguyod ng isang kilalang pamantayan, subalit ang mundo ay napupuno ng bilyong tao na pambihira at magkakaiba. Kadalasan, ang normal ay ang mas pinipiling lugar kung saan "mamumuhay," ngunit ang totoo, hindi ito laging mabuti. Sa Gabay na ito, ating pag-aaralan ang Salita ng Diyos kung papaano malalampasan ang normal na pamumuhay at gumawa ng pagbabago para tayo ay mamuhay nang higit pa sa normal.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion