Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Higit pa sa NormalHalimbawa

Better Than Normal

ARAW 1 NG 5

Ano ang normal?

Ang normal ay nangangahulugang naaayon sa isang pamantayan, uri, o regular na huwaran. Ang terminong normal ay kadalasang tumutukoy sa isang bagay na karaniwan o natural at isang bagay na ginagawa ng karamihan, at ang kabaliktaran nito ay abnormal. Taglay iyan sa isipan, ating bibigyan-kahulugan ang normal sa susunod na paraan: isang pag-uugali na karaniwan, inaasahan, at umaangkop sa isang pamantayan na itinaguyod ng pamayanan.

Ngunit sa dami ng mga taong nabubuhay sa mundo, posible kayang sabihin na ang isang bagay ay normal? Kung ano ang normal sa isang kultura ay maaaring wala namang saysay sa isa.

Paminsan-minsan, ang ating ideya ng normal ay nananakaw, na nagiging sanhi na tayo ay mataranta at hindi malaman kung paano tutugon. “Kailan ba babalik sa normal ang lahat?” ang ating tanong kapag hindi na normal ang takbo ng mga bagay o kapag nasa isang mapagsubok na panahon tayo kung saan hindi natin makita ang katapusan. Ngunit sa huli, tayo ay makakatayo sa ating mga paa at masasabing, “Bueno, sa palagay ko ito na ang bagong normal” 

Ano ba ang nakakaaya sa normal? Sa bagay na ito, alam natin kung ano ang aasahan, at nakakahanap tayo rito ng kaginhawaan kahit na hindi ito mabuti o maayos. Ngunit, ang kaginhawaan ay hindi nangangahulugang kaayusan. Kaya, bakit hindi na lamang natin piliin na hanapin ang buhay na higit pa sa konsepto ng normalidad? Paano kung itataguyod natin ang isang buhay na higit pa sa normal? 

Bilang mga taga-sunod ni Jesus, tayo ay tinawag na mamuhay nang naiiba. Sasabihin ng mundo na sundin natin ang ating mga puso, ngunit alam natin na ang ating mga puso ay mapaglinlang. Sinasabi ng mundo na magkaroon tayo ng perpektong katawan, ngunit ang pagiging maka-Diyos ang dapat nating hangarin. Sinasabi ng mundo na unahin natin ang ating mga sarili, ngunit alam natin na ang pamumuhay nang mapagbigay sa iba ay mas makabuluhan at mahabagin.

Sa Gabay na ito, ating tutunghayan ang ilang mga paraan kung saan ang normal ay hindi umuubra. Sa halip, ating pag-aaralan kung paano baguhin ang ating pamumuhay at iwan ang kasalukuyang kalagayan para sa mas higit pa sa normal na buhay.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Better Than Normal

Ang ibig sabihin ng normal ay ang pagtataguyod ng isang kilalang pamantayan, subalit ang mundo ay napupuno ng bilyong tao na pambihira at magkakaiba. Kadalasan, ang normal ay ang mas pinipiling lugar kung saan "mamumuhay," ngunit ang totoo, hindi ito laging mabuti. Sa Gabay na ito, ating pag-aaralan ang Salita ng Diyos kung papaano malalampasan ang normal na pamumuhay at gumawa ng pagbabago para tayo ay mamuhay nang higit pa sa normal.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion