Namumuhay na Binago: Pagyakap sa PagkakakilanlanHalimbawa
Pagyakap sa Pagkakakilanlan kay Cristo
Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagkaalam sa nakasulat sa Biblia at paniwalaan ito nang taos na nakapagpapabago sa kung paano natin ipamuhay ang ating buhay. Ang tunay na pagyakap sa ating pagkakakilanlan kay Cristo ang nagbibigay sa atin ng kakayahang harapin ang mga pagsubok nang may kumpiyansa. Nagpupuno ito sa ating buhay ng kagalakan, kapayapaan, at layunin. Pinahihintulutan nitong mahalin natin ang ating sarili dahil mahalNiya tayo. Ang pagkaunawa ng kung sino tayo at maging kung kanino tayo ang nagpapabago ng lahat, subalit kailangan tayong palaging mapagbantay.
Sa sandaling magsimula tayong maniwala na tayo ay karapat-dapat, minahal, at ibinukod ng Diyos, sinusubukang alisin ito ng kaaway. Napopoot siya kapag ang ating pagkakakilanlan ay nakaangkla kay Jesus dahil inaalisan siya nito ng kapangyarihan sa ating buhay at nagiging dahilang magpasalin-salin at magkalat ang pag-asa sa iba. Hindi natin dapat hayaang paalalahanan tayo ni Satanas ng ating nakaraan o kumbinsihing hindi natin kayang magbago. Sinasabi ng Biblia na nang tanggapin natin si Jesus sa ating mga puso, tayo ay isa nang bagong nilalang. Ang Kanyang biyaya ang pumapawi sa ating kasalanan, ating kahihiyan, at ating nakaraan. Kailangan nating kumapit nang mahigpit sa katotohanang tayo ay sa Kanya.
Nagpapaalala ito sa akin ng isang puno sa aming bakuran. Nang ito ay itinanim, ang puno ay nangangailangan ng suportang bakal upang manatili itong nakatayo at magbigay ng tibay. Sa paglipas ng panahon, ang puno ay pumalupot sa suporta, na imposible nang alisin ang bakal. Ngayon, ang suporta ay isa nang bahagi ng puno. Sa gayon ding paraan, ang katotohanan ng Diyos ang nagpapalakas sa atin. Kung panghahawakan natin ito nang matagal, sa kalaunan ito ay magiging bahagi ng ating pagkakakilanlan na hindi na maiaalis.
Hakbang sa Pagkilos:
Ang Diyos ay nag-ukol ng panahon na likhain nang maingat ang bawat detalye na nagbubuo sa kung sino ka. Nakikita Niya ang tunay na ikaw at minamahal ka nang walang mga kondisyon. Hayaang ang katotohanang iyan na manoot. Huwag takbuhan ito, itago, o balewalain. Hilingin sa Diyos na tulungan kang paniwalaan ito at gawin itong hindi maihihiwalay na bahagi mo. Kung tunay mong yayakapin ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo, masusumpungan mo ang kalayaan mula sa mga kasinungalingan na pumipigil sa iyo at kumpiyansa na harapin ang anumang pagsubok.
Amang Diyos, salamat sa pagdala mo sa akin sa gabay na ito at sa pagtulong mo na simulan ang lakbayin patungo sa paglalagay ng aking pagkakakilanlan sa Iyo. Tulungan Mo akong makita na ang mga bansag na ipinapamuhay ko ay mga kasinungalingan at tulungan akong palitan ang mga ito ng iyong katotohanan. Tulungan akong itigil ang pagkukumpara sa aking sarili sa iba at sa pagpapahintulot sa mga negatibong sinasabi ko sa aking sarili na hubugin ang aking pananaw sa sarili. Bigyan ako ng mga mata na makita ang aking sarili katulad nang nakikita mo-ginugusto, kinagigiliwan, kaibig-ibig, may kakayahan, may mga natataning kaloob, at nilikhang maganda. Nais kong Ikaw lang at wala nang iba ang magtakda sa akin. Binibigyan ko ang Iyong katotohanan ng kapangyarihan sa aking buhay at hinihiling sa Iyo na ipakita sa akin kung paano ko magagamit ang ipinagkaloob Mo sa akin upang mapalago ang Iyong kaharian. Salamat sa Iyong pag-ibig na walang pasubali na hindi ako iniiwang nanatili sa aking kinalalagyan at bagkus ay palaging mas inilalapit ako sa Iyo. Mahal Kita at nagtitiwala ako sa Iyo. Sa makapangayarihang pangalan ni Jesus, amen.
Dinadalangin namin na ginamit ng Diyos ang gabay na ito upang magministeryo sa iyong puso.
Tungkol sa Gabay na ito
Sa dami ng mga tinig na nagsasabi sa atin kung sino tayo dapat maging, hindi kataka-takang nahihirapan tayong pagpasyahan ang ating pagkakakilanlan. Hindi nais ng Diyos na ituring tayo base sa ating trabaho, sa kung may asawa tayo o wala, o ating mga kamalian. Nais Niya na ang Kanyang opinyon ang maging pinakamataas na awtoridad sa ating buhay. Ang anim na araw na gabay na ito ay makatutulong sa iyong maunawaan ang sinasabi ng Biblia patungkol sa kung sino ka at tunay na mayakap ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo.
More