Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Namumuhay na Binago: Pagyakap sa PagkakakilanlanHalimbawa

Living Changed: Embracing Identity

ARAW 2 NG 6

Ang mga Bansag na Nagpapasailalim sa Atin

Walang sinumang gustong mabansagan. Ito ay dahil ang mga bansag ay kadalasang labis na pangkalahatan, nakalilimita at hindi tumpak. Lakip ng mga ito ang mga haka-haka, na maaring napakanenegatibo, at kadalasang nakatuon sa ating mga pinakamasamang katangian o malalaking mga kamalian. Ang mga bansag ay hindi nagbibigay puwang para sa mga pagkakaiba, paglago o pagbangon muli. Habang tinatangka ng ibang bansagan tayo, mayroon tayong karapatang huwag magpasailalim sa mga ito.

Noong nasa edaran akong dalawampu pataas, dala ko ang bansag na mahalay. Ipinagmamalaki ko ang aking katawan at gustong-gusto kong pinapansin ng mga lalaki. Ako ay gumawa ng sunod-sunod na masasamang pasya dahil hindi ko tinanaw ang sarili kong karapat-dapat ng pagmamahal. Ako ay lubhang wasak na kadalasang nakuntento nang panandaliang madamang maganda at seksi ako samantalang ang tunay na kailangan ko ay ang hilingin kay Jesus na pagalingin ako at gawin akong buo. 

Ako ay patuloy na nahirapang paniniwalaang ako ay karapat-dapat ng pagmamahal kahit na nagsimula na akong sumunod kay Jesus. Bilang isang bagong ina, nag-alala akong ako ay isa lang matabang walang halaga na walang maiaalok sa mundo dahil hindi ako nakatapos ng kolehiyo. Samantalang nagpalakas ng aking loob ang mga sermon tuwing linggo, nahirapan akong ilapat ang katotohanan ng Diyos sa aking pang-araw-araw na buhay. Sa pagbabalik-tanaw, labis akong nagpapasalamat na hindi Niya ako sinukuan. Patuloy Niya akong binigyan ng mga pagkakataong gumawa ng mga bagay para sa Kanyang kaharian, kahit pa hindi ko iniisip na kaya ko.

Lahat tayo ay may suot na mga bansag, ibinansag man sa atin ng iba o inilagay natin sa'ting sarili mismo. Masyadong madalas, pinapayagan natin ang mga bansag na iyong limitahan tayo at sabihin sa ating hindi lang tayo sapat. Lang. Idinaragdag natin ang maliit, subalit mahalagang salitang ito kapag inilalarawan ang ating sarili at pinapayagan ang mga bansag na alisan tayo ng karapatan. Marahil hindi mo na mabilang ang narinig mong nagsabi nito, o ikaw mismo ang nakapagsabi. "Ako ay isang estudyante sa haiskul lang” o “Ako ay isang adik lang.” 

Ang katotohanan ay, hindi ka ang iyong edad, iyong katayuan sa trabaho, ang sinabi ng doktor sa iyo, iyong katayuan sa pag-aasawa, iyong mga kahirapang kinakaharap, o iyong nakaraan. Ang mga bansag na iyon ay maaaring naglalarawan ng iyong kalagayan, ng yugto sa'yong buhay, o ng iyong pagsubok, subalit ang iyong totoong pagkakakilanlan mo ay kung ano ang sinasabi ng Diyos na ikaw at wala nang iba.

Ikaw ay maganda, may kakayahan, at karapat-dapat. Ikaw ay ginawang bago kay Cristo. Hindi ka binigyan ng espiritu ng kahinaan ng loob, kundi ng pag-ibig, kapangyarihan, at kahusayan. Ikaw ay siguradong magtatagumpay sa pamamagitan ni Cristo na nagbibigay sa iyo ng kalakasan. Ikaw ay sadyang nilikha para sa isang layunin. Ikaw ay minamahal. Ikaw ay pinili. Ikaw ay sapat na.

Hakbang sa Pagkilos:

Isipin ang mga bansag na suot mo na salungat sa sinasabi ng Diyos patungkol sa iyo sa Biblia. Anong mga bahagi ng iyong buhay ang nagpaparamdam sa iyo ng hiya? Ano ang iyong pinakamalalaking pag-aagam-agam sa iyong sarili? Ano sa iyong nakaraan ang pinipilit mong itago dahil takot kang malaman ito ng iba? Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung anong mga bansag ang nagpapabigat sa iyo at tulungan kang iayon ang iyong pagkakakilanlan sa katotohanan ng Biblia.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: Embracing Identity

Sa dami ng mga tinig na nagsasabi sa atin kung sino tayo dapat maging, hindi kataka-takang nahihirapan tayong pagpasyahan ang ating pagkakakilanlan. Hindi nais ng Diyos na ituring tayo base sa ating trabaho, sa kung may asawa tayo o wala, o ating mga kamalian. Nais Niya na ang Kanyang opinyon ang maging pinakamataas na awtoridad sa ating buhay. Ang anim na araw na gabay na ito ay makatutulong sa iyong maunawaan ang sinasabi ng Biblia patungkol sa kung sino ka at tunay na mayakap ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://www.changedokc.com