Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikipaglaban para sa Pagkakaisa sa isang Watak-watak na MundoHalimbawa

Fighting for Unity in a Divided World

ARAW 5 NG 5

Pakikipaglaban para sa Pagkakaisa

Sa araw na ito, pag-usapan natin ang tungkol sa pulitika. Malakas ang paghila patungo sa masidhing pakikipaglaban pagdating sa pulitika—hanggang sa punto kung saan parang napakadali nang hayaan ang ating pulitika ang magdikta sa ating pananampalataya kaysa hayaan natin ang ating pananampalataya na magdikta sa ating pulitika.

Marahil ay narinig mo na ang mga tao na nagsabi ng tulad ng, "Paano magiging Cristiano ang sinuman at sila ang susuportahan?" Hindi mahirap gumawa ng listahan ng mga talata sa Biblia na sumusuporta sa ating mga kagustuhan sa pulitika. Madaling makumbinsi na malamang ay susuportahan ni Jesus ang mga taong sinusuportahan natin. Ngunit walang isang partidong pampulitika na ganap na naaayon sa pangitain ni Jesus ng Langit sa Lupa.

Kung naniniwala tayo na ang Langit sa Lupa ay may higit na kinalaman sa isang pulitikal na halalan kaysa sa muling pagkabuhay ni Jesus, hindi natin nauunawaan ang Mabuting Balita. Ang ating pag-asa ay hindi nagmumula sa kung sino ang nakaupo sa ating pamahalaan. Ang ating pag-asa ay nagmumula sa nakaupo sa trono ng Langit. Sinuman ang namumuno sa ating mga bansa, ang Diyos pa rin ang ating Hari.

Ikaw ba ay umaasa lamang sa iyong gobyerno o mga inihalal na opisyal upang magdala ng pag-asa sa iyong komunidad? Kung ganoon ay hindi mo natutupad ang iyong tungkulin bigay ng Diyos na maging liwanag sa isang madilim na mundo. Ang nararamdaman mo bang kapayapaan o kagalakan ay tumataas at bumaba ayon sa kung sino ang nasa kapangyarihan? Kung ganoon ay napapalampas mo ang pagkakataong umasa sa Diyos bilang tagapagbigay ng bawat mabuting bagay na kailangan mo. Gustung-gusto mo bang nakikinig sa magkasalungat na mga pananaw sa pagsisikap na maunawaan kung saan nanggaling ang mga pananaw na iyon? Natutugunan mo ba ang mga pangangailangan ng iyong mga kapitbahay kapag kaya mo? At nagsusumikap ka ba para sa katarungan, awa, at kababaang-loob sa iyong sarili, sa iyong tahanan, sa iyong lugar ng trabaho, at sa iyong komunidad tulad ng gusto mo sa iyong mga pinuno ng gobyerno? Kung gayon, namumuhay ka sa ibang uri ng buhay na hiniling sa atin ng ating Ama sa langit.

Minsan ay sinabi ng isang matalinong pastor, “Sa tuwing tayo ay pumapanig sa isang kampo, tayo ay naghahati. Hindi ito nangangahulugan na hindi na natin gagawin ang ating tungkuling sibil na pumili ng isang panig upang suportahan o panindigan ang ating pinaniniwalaan. Syempre gagawin natin ito! Bilang mga Cristiano, dapat nating gamitin ang bawat mapagkukunan na mayroon tayo upang pagsilbihan ang mga tao sa ating mga komunidad. Ibig sabihin lang nito na, bilang mga Cristiano, hindi natin inuuri ang ating mga kapitbahay bilang sa "panig na ito" o sa "panig na iyon." Ang ating personal na pagkakakilanlan ay hindi nagmumula sa ating mga pampulitikang kaisipan. Ang ating pagkakakilanlan ay bilang anak ng Diyos. Ang ating mga kapitbahay? Ginawa din sila ayon sa larawan ng Diyos. Tayong lahat ay makasalanan na nangangailangan ng kaligtasan. Sa bagay na iyon, walang kahit anong panig, walang dibisyon. At dapat tayong lumaban para panatilihing nakatatak ang katotohanang iyon sa ating puso at isipan. Dapat tayong makisali at manindigan nang naiiba. Sa halip na mabuhay sa pagkakahati, ipaglaban natin ang pagkakaisa.

Ang ating labanan ay hindi laban sa laman at dugo. Samakatuwid, hindi natin maaaring labanan ang ating mga laban sa parehong paraan na ginagawa ng mundo. Bilang mga alagad ni Jesus, lumalaban tayo sa pamamagitan ng pananalanginn at pagmamahal sa ating kapwa. Ganito natin tapat na sinusunod si Jesus sa isang nahahating mundo.

Manalangin: O Diyos, tulungan Mo kaming Iyong mga tagasunod, na maging isa. Tulungan kaming tumanggi na mabuhay sa pagkakahati. Bigyan Mo kami ng karunungan at lakas upang ipaglaban ang pagkakaisa. Ipaalala sa amin ang aming tungkulin bilang Iyong bayan na kumatawan kay Jesus at sa Mabuting Balita sa aming nababahaging mundo.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Fighting for Unity in a Divided World

Paano kang tapat na nakakasunod kay Jesus sa isang watak-watak na mundo? Sa mundo kung saan ang bawat isyu ay naging labanan sa pagitan ng "tayo" at "sila," mas mahalagang tandaan na anuman ang mangyari, si Jesus pa rin ang nasa trono. Matutong tumugon bilang alagad ni Jesus sa isang watak-watak na mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/