Pakikipaglaban para sa Pagkakaisa sa isang Watak-watak na MundoHalimbawa
Unahin ang Dapat Unahin
Nabubuhay tayo sa isang mundong lalong nagkakawatak-watak. May linya nang naiguhit sa buhangin. Tila ang kalahati sa atin ay nasa isang banda, at ang kalahati sa atin ay nasa kabila naman. Kaya nga lang ang linyang iyan ay tila isang bangin na. At ang banging ito ay papalaki nang papalaki dahil taon-taon ay lalo tayong nagkakawatak-watak. Nasa punto na itong tila imposible nang makita ang puntong mapagkakasunduan. At nadudurog ang puso ng Diyos dahil dito. Kaya, paano tayong dapat tumugon sa pagkakawatak-watak na ito ng mga taga-sunod ni Jesus?
Una, dapat nating tandaan na panatiliing pangunahing bagay ang pangunahing bagay. Ano ang pangunahing bagay? Ang Mabuting Balita ni Jesus. Ang Ebanghelyo. Kaya, ano ang Ebanghelyo at paano nito naaapektuhan kung paano tayo mag-isip tungkol sa mga bagay na naghihiwalay sa atin, kasama na ang politika?
Ang Ebanghelyo ay ang Mabuting Balita na sa pamamagitan ng buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus, ang Diyos ay naging Hari—at ang Kanyang Kaharian ay paparating na sa Mundo katulad sa Kaharian Niya sa Kalangitan. Bakit ito Mabuting Balita? Dahil ang ating Diyos ay higit na kakaiba at mas mabuting Hari kaysa sa mga pinuno at lider ng ating mundo. At dahil lahat ay inaanyayahan upang maging bahagi ng Kanyang Kaharian.
Ikaw ay inaanyayahan. Sila ay inaanyayahan. Maging ang mga taong sinusuportahan ang taong hindi mo gusto.
At kapag pinipili nating paniwalaan ang Mabuting Balita ni Jesus at manumpa ng katapatan sa ating Hari, binabago nito ang lahat. Ang Ebanghelyo ay hindi lang isang kard para ikaw ay "makalabas sa piitan nang libre". Ang Ebanghelyo ay isang imbitasyon upang mailigtas mula sa kasalanan at mapanumbalik ang sangkalikasan.
Dahil si Jesus ang ating Mabuting Balita, tayo ay tinawag upang maging Mabuting Balita para sa ibang tao.
Maging sa mga usapang pampulitika. Maging sa mga taong hindi natin kasundo. Maging sa mga taong hindi natin masyadong gusto.
Kapag natatandaan nating panatiliin ang pangunahing bagay na siyang pangunahing bagay, binabago nito kung paano nating ginagawa ang mga bagay. Kapag parehong pinaniniwalaan at nagiging Mabuting Balita tayo, hindi maaaring hindi tayo maging iba.
Bakit? Dahil alam nating kahit sino pa ang nakaupong pinuno sa pamahalaan, ang Diyos ay siya pa ring Hari.
Manalangin: O Diyos ko, tulungan Mo akong panatiliing pangunahing bagay ang pangunahing bagay. Paalalahanan Mo ako kung gaano Ka kabuti. Tulungan Mo akong sundin ang halimbawa ni Jesus at maging Mabuting Balita para sa ibang tao katulad din ng kung paano Siya ay naging Mabuting Balita para sa akin. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano kang tapat na nakakasunod kay Jesus sa isang watak-watak na mundo? Sa mundo kung saan ang bawat isyu ay naging labanan sa pagitan ng "tayo" at "sila," mas mahalagang tandaan na anuman ang mangyari, si Jesus pa rin ang nasa trono. Matutong tumugon bilang alagad ni Jesus sa isang watak-watak na mundo.
More