Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikipaglaban para sa Pagkakaisa sa isang Watak-watak na MundoHalimbawa

Fighting for Unity in a Divided World

ARAW 4 NG 5

Isang Bagong Utos

"Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.” Juan 13:34-35 RTPV05

Sinasabi ni Jesus sa atin, na Kanyang mga taga-sunod, na malalaman ng mundo kung sino Siya sa pamamagitan ng pag-ibig natin. Kaya, kung hindi natin kayang makipagtalo nang may paggalang sa isang tao patungkol sa pulitika, ito ay isang tanda na kailangan nating suriin ang ating puso. Si Jesus ay namatay para sa taong hindi natin kasundo. At inutusan Niya tayong mahalin sila. Kaya, tingnan natin ang ilang praktikal na pamamaraan upang matulungan tayong mahalin ang mga taong hindi natin nakakasundo.

Kilalanin ang iyong sariling pagkiling.Ang mga pagkiling ay ang mga kagustuhan ng iyong isipan at damdamin. Ang mga ito ay personal na paghuhusga sa isang bagay o isang tao, kadalasan sa isang negatibo o nakakapinsalang paraan. At ang mga pagkiling ay nakakaapekto sa lahat, napapagtanto man natin ito o hindi. Madalas nating isipin na ang iba lang ang may mga isyu sa pagkiling. Ang pagpapahalaga sa sarili at pagmamataas ay sumisira sa ating pag-iisip sa mapanganib ngunit hindi agad nahahalatang pamamaraan. Pero bago natin asahan na kilalanin ng ibang tao ang kanilang mga pagkiling, kailangan nating kilalanin ang sarili natin. Narito ang isang halimbawa. Saan mo nakukuha ang iyong balita? Malamang, sinusunod mo ang iyong mga pagkiling sa mga kumpirmasyong nakukuha mo—kahit na ito ay hindi sinasadya. Gusto nating magbasa o manood ng isang bagay na nagpapahintulot sa atin na sabihin sa ating sarili, “Kita mo? Tama ako!" Sikaping hanapin ang pagtuturo at pagtutuwid mula sa Salita ng Diyos bilang tunay na pinagmumulan ng karunungan, katotohanan, at kaalaman kaysa sa paghahanap sa iyong paboritong content provider na pinagmumulan ng pagpapataas ng pagpapahalaga sa sarili.

Matutong makita ang mabuti (at ang hindi maganda) sa magkabilang panig. Kung dumating ka sa isang lugar kung saan nakikita mo ang mga taong sinasang-ayunan mo bilang "mabuti" at ang mga taong hindi mo sinasang-ayunan bilang "masama," iyon ay isang tagapagpahiwatig na hindi na natin nakikita ang kabilang panig bilang mga taong ginawa ayon sa larawan ng Diyos. Bakit? Kung hindi mo matutunang makita ang mabuti at hindi maganda sa magkabilang panig, maaari kang makumbinsi na sila ang iyong kaaway. Tandaan, sila ay hindi kailanman kaaway na dapat masakop; sila'y mga taong dapat mahalin sa tuwina.

Sikaping makaunawa bago maghangad na maunawaan. Kung makikita mo ang iyong sarili na nagsasabi, "Hindi ko maintindihan kung bakit sila ______", huminto nang sandali, at tingnan iyon bilang isang pagkakataon para mas maunawaan ang mga taong hindi mo sinasang-ayunan. Magsimula ng pag-uusap. Magtanong. Makinig ka. Tingnan ang mga bagay mula sa kanilang pananaw. Hindi mo kailangang sumang-ayon sa isang tao upang maunawaan sila.

Tandaan, hindi ka kasing talino tulad ngsa tingin mo. Dahil lang sa tingin mo ikaw ay tama, hindi ibig sabihin tama ka. Kahit na pakiramdam mo ay walang duda na tama ka, hindi pa rin iyon nangangahulugang tama ka. Ang katotohanang ito ay tumutulong sa atin na pumasok sa mga pag-uusap na may pustura na gustong matuto at maunawaan ang ibang tao. Kung ang layunin natin ay manalo ng argumento, hindi na tayo magkakaroon ng tunay na pag-uusap. Sa halip, ang ating layunin ay dapat na bumuo ng mga koneksyon at makahanap ng karaniwang batayan upang tayo ay sumulong.

Bilang mga tagasunod ni Jesus, tinawag tayo upang kumatawan sa Kanya sa mundo sa lahat ng ating ginagawa. Kasama na kung paano tayo nakikisali sa pulitika. Kasama kung paano tayo hindi sumasang-ayon tungkol sa pulitika. Kapag nakita ng mga tao ang paraan ng pagsasalita mo tungkol sa pulitika, nakikita ba nila si Jesus sa iyo?

Manalangin: O Diyos ko, tulungan Mo akong katawanin Ka sa bawat pag-uusap. Tulungan Mo akong mamuhay sa paraang nakikita Ka ng mga tao sa akin.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Fighting for Unity in a Divided World

Paano kang tapat na nakakasunod kay Jesus sa isang watak-watak na mundo? Sa mundo kung saan ang bawat isyu ay naging labanan sa pagitan ng "tayo" at "sila," mas mahalagang tandaan na anuman ang mangyari, si Jesus pa rin ang nasa trono. Matutong tumugon bilang alagad ni Jesus sa isang watak-watak na mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/