Mga Di-Perpektong Tao sa Biblia Halimbawa

Pablo
Si Apostol Pablo, na dating tinatawag na Saulo, ay isang masigasig na Judio at Pariseo. Ang gusto niya ay ang mawala ang Cristianismo sa mundo. Sa halip, nagpakita sa kanya si Jesus sa daan patungo sa Damasco. Ang pangyayaring ito ay bumago sa kanya, at siya ang naging pinakamamahal nating alagad na tinatawag nating Pablo.
Marubdob si Pablo sa biyayang ito na naranasan niya mula kay Jesus. Anupa't dinala niya sa liwanag ang mahihirap na paksa at hindi siya umiwas sa mga kontrobersya. Napakahalaga ang naging papel niya sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo ni Jesu-Cristo sa mga Hentil. Nagtatag siya ng maraming simbahan at nagsulat ng 13 sa 27 aklat ng Bagong Tipan.
Narito ang dalawang bagay na maaari nating makuha mula sa buhay ni Pablo:
Walang Sinasayang ang Diyos
Si Pablo ay napakatalino at isang tapat na Judio. Batid niya ang kanyang relihiyon sa loob at labas. Nagmula siya sa tamang pamilya, ginawa niya lahat nang tama, at namuhay siya ng isang buhay na "walang pagkukulang" pagdating sa batas. At sa kanyang pananalita, "Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon" (Mga Taga-filipos 3:7 RTPV05). Ang lahat ng kanyang natutunan at ginawa sa buhay ay walang halaga. Ang kamangha-mangha dito ay ang katotohanang bagama't hindi pinahalagahan ni Pablo ang kanyang nakaraan, lubusang ginamit ito ng Diyos. Ang lahat ng kanyang alam ay nagamit niya upang tumulong na turuan ang ibang tao na ang lahat ay balewala—ang makilala si Jesus lamang ang mahalaga.
Ibinigay ni Pablo ang Lahat
Simula nang si Pablo ay nagbagong-loob noong siya ay pansamantalang nabulag sa Daan sa Damasco, ibinigay niya ang buong katauhan niya sa pag-aaral tungkol kay Jesus. Ang mga sulat na ginawa niya para sa mga iglesiang sinimulan niya—para sa mga Taga-Corinto, taga-Galacia, taga-Efeso, taga-Filipos, taga-Colosas—ay punung-puno ng kanyang pag-aalab at pagnanasang makita ang mga taong tumanggap sa mensahe ng Ebanghelyo. Hindi siya isang kalahatiang tagasunod ni Jesus na nananangan sa kanyang halos perpektong kinalakhan. Hindi, isinuko niya ang lahat at nagsimula ng bagong buhay na naglilingkod sa Nabuhay na Tagapagligats na noong una ay kanyang nililibak at kinukutya.
Bago nakialam si Cristo sa buhay ni Pablo, may mga masasamang bagay siyang ginawa. Ngunit nang iniligtas na siya ni Jesus at tinawag upang maglingkod upang maging makabuluhan ang Ebanghelyo at maging para sa lahat, ang kanyang impluwensya ay tunay ngang nakapagpabago sa mundo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Naging magulo man ang buhay mo nang kaunti o malaki ayon sa pamantayan ng tao, ikaw ay pangunahing kandidato upang magamit ng Diyos. Sa 7-araw na Gabay na ito, matututunan natin ang tungkol sa anim na tao mula sa Biblia na ginamit ng Diyos sa kabila ng kanilang pinanggalingan, kung anong mga kakayahan nila, o kung gaano kalaki ang naging pagkakamali nila.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Nagsasalita Siya Sa Atin

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

God Is With You

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo

Ang 7 Last Words Ni Jesus

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Dayuhan Tayo Sa Mundo

Buhay Si Jesus!
