Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Di-Perpektong Tao sa Biblia Halimbawa

Imperfect People in the Bible

ARAW 2 NG 7

Abraham

Si Abraham ay kilala bilang pinakadakilang patriyarka sa pananampalataya ng mga Judio. Ngunit, dahil siya ay nagmula sa bayan ng Ur na isang bayang napakaraming tao, siya ay isang Gentil (isang taong hindi Judio) bago siya naging ang pinakaunang Hebreo. At siya ay pinili ng Diyos na maging ama ng isang dakilang bansa. 

Sa kabila ng pagkakatawag sa kanya ng isang pambihirang Diyos upang tuparin ang mga layunin ng kaharian, siya ay isang ordinaryong nilalang lamang. Siya ay isang simpleng pastol na nagmula sa mga magulang na hindi sumusunod sa Diyos. At maging sa pagkakatawag sa kanyang iyon, hindi pa rin maayos ang kanyang naging pagpili. Hindi siya laging kumikilos nang ayon sa kilos na nararapat sa isang patriyarka ng pananampalataya ng mga Judio. Malinaw na hindi ito naging mahalaga sa Diyos. Siya ang lalaking itinalaga ng Diyos para sa gawaing iyon, at hindi nagulat ang Diyos nang ang pagiging tao ni Abraham ay naging hadlang. 

Hindi siya napili dahil siya ay may pambihirang talento o napakatalino. Hindi nagsulat ng anumang aklat sa Biblia si Abraham, wala siyang propesiyang ibinahagi sa mga tao, at wala siyang anumang batas na isinulat sa bato. Ang pinakamahalagang bagay na alam natin tungkol kay Abraham ay ang narinig niya mula sa Diyos na siya ay humayo, at bagama't hindi niya alam kung saan, sumunod siya at tinalikdan niya ang pamilyar sa isang bagay na banyaga sa kanya. 

Narito ang dalawang bagay na makukuha mula sa buhay ni Abraham:

Ginagamit ng Diyos ang Lahat ng Tao
Ang kuwento ni Abraham ay magbibigay ng lakas ng loob para sa ilan sa atin na hindi nararamdamang mayroon tayong tamang kredensyal o tamang kinalakhan. Malinaw dito, si Abraham ay "walang kuwentang tao" na tinawag ng Diyos upang maging "mahalagang tao" para sa bansang Hebreo. Maaaring nararamdaman mong napakaliit ng maaari mong ibigay dahil hindi ka nagmula sa isang kilalang pamilya o marahil ay pakiramdam mong hindi ka ganoon katalino upang magamit ng Diyos. Huwag kang mag-alala, ang hinahanap ng Diyos ay ang ating pagsang-ayon upang gawin ang trabahong nakaplano na Niya. 

Hindi Pa Huli 
Nang tinawag ng Diyos si Abraham upang iwan ang kanyang lupang tinubuan para sa isang di-pamilyar na lugar, siya ay 75 taong gulang. Hindi siya naging ama hanggang siya ay sumapit sa 86 na taong gulang, at hindi siya tinuli hanggang siya ay 99 na taong gulang na. Maraming nag-iisip na habang sila ay tumatanda ay nawawala ang kanilang kahalagahan sa mundo at maging sa kanilang kakayahang tuparin ang mga layunin ng Diyos. Habang nabubuhay tayo sa mundong ito, mayroon tayong layunin na kailangang tuparin. 

Kayang-kaya ng Diyos at handa Siyang ibigay sa atin ang anumang kailangan upang maisakatuparan ang mga layunin Niya. Kaya, nararamdaman man natin na tayo ay may kakayahan o wala o tayo ay masyadong bata o masyadong matanda, magagamit tayo ng Diyos upang gawin ang dakila Niyang gawain. Naghahanap lamang Siya ng mga nakahandang pusong magiging tapat.

Tungkol sa Gabay na ito

Imperfect People in the Bible

Naging magulo man ang buhay mo nang kaunti o malaki ayon sa pamantayan ng tao, ikaw ay pangunahing kandidato upang magamit ng Diyos. Sa 7-araw na Gabay na ito, matututunan natin ang tungkol sa anim na tao mula sa Biblia na ginamit ng Diyos sa kabila ng kanilang pinanggalingan, kung anong mga kakayahan nila, o kung gaano kalaki ang naging pagkakamali nila.

More

Nais naming magpasalamat sa YouVersion Originals sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://youversion.com