Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Di-Perpektong Tao sa Biblia Halimbawa

Imperfect People in the Bible

ARAW 3 NG 7

Rahab

Ang kuwento ni Rahab ay maaaring siyang pinaka-nakapanghihikayat na kuwentong mababasa. Sa Josue 2, ang bagong pinuno ng mga Israelita, si Josue, ay siyang nangunguna. Nagpadala siya ng dalawang espiya upang tingnan ang lupaing ibinigay ng Panginoon sa kanila at tingnan kung anong maaaring kaharapin nila kapag sinubukan nilang sakupin ito. At nang pumunta sila sa Jerico, natagpuan nila ang isang babaeng nagngangalang Rahab na pumayag na tulungan sila. Ang problema? Siya ay isang bayarang babae. 

Hindi nagtagal bago nalaman ng hari ng Jerico ang tungkol sa mga espiya, mula sa iba't-ibang lalaking naglalabas-pasok sa kanyang tahanan. Kaya, nagpadala ng mensahe ang hari kay Rahab upang ilabas niya ang mga espiya mula sa kanyang bahay. Bago pa ito, pinili ni Rahab na itago ang mga ito at ang nangyari ay nagsinungaling siya sa kanyang hari patungkol sa kung saan sila pumunta. Nagbigay siya ng ligtas na lugar para sa kanila upang doon magtago hanggang sa dumilim na at pagkatapos ay pinaalis na sila. Ang kanyang matapang na pagpili kung saan sinalungat niya ang kanyang hari ay siyang magiging daan para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya mula sa paglusob ng mga Israelita. 

Narito ang dalawang bagay na makukuha mo mula sa buhay ni Rahab:

Malinaw na ito ay Kapangyarihan ng Diyos
Inamin ni Rahab sa mga espiya na narinig ng mga mamamayan ng Jerico ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa Israelita at kung paanong ang Kanyang kapangyarihan ay lumikha ng takot at pagkabalisa para sa kanilang buhay. Sinabi pa ni Rahab, "sapagkat ang Panginoong ninyong Diyos ay Diyos ng langit at lupa." Ito ay mula sa babaeng malinaw na hindi kilala ang Diyos kundi may alam lang siya tungkol sa Kanya. Sapat ang kapangyarihan ng Diyos at hindi Niya tayo kailangan upang ipaliwanag ang tungkol sa Kanya at sa Kanyang mga plano. Ginagawa Niya ang ginagawa Niya at hindi maiwasang hindi Siya mapansin ng mga tao. 

Hindi Mahalaga sa Diyos ang Nakaraan Natin
Maaaring sa ibang bahay dinala ng Diyos ang dalawang espiya upang matulungan sila, ngunit hindi ito ang ginawa Niya. Pinili Niya ang isang maiskandalong babae upang protektahan ang dalawang lalaking ipinadala ni Josue. Siya ay isang taong kinukutya ng lipunan at marahas na hinahatulan dahil sa kanyang gawain. Ngunit, ginamit pa rin siya ng Diyos upang protektahan ang Kanyang bayan. Anuman ang nagawa natin, nasabi, o naisip, hindi nababahala ang Diyos sa ating nakaraan. Nais lamang Niyang malaman kung tayo ay magiging tapat sa ating hinaharap.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Imperfect People in the Bible

Naging magulo man ang buhay mo nang kaunti o malaki ayon sa pamantayan ng tao, ikaw ay pangunahing kandidato upang magamit ng Diyos. Sa 7-araw na Gabay na ito, matututunan natin ang tungkol sa anim na tao mula sa Biblia na ginamit ng Diyos sa kabila ng kanilang pinanggalingan, kung anong mga kakayahan nila, o kung gaano kalaki ang naging pagkakamali nila.

More

Nais naming magpasalamat sa YouVersion Originals sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://youversion.com