Mga Di-Perpektong Tao sa Biblia Halimbawa
Walang Perpekto
Marahil ay narinig na nating lahat ang kasabihang “nobody’s perfect” sa isang punto ng ating buhay. Maaaring sinabi natin ito sa isang tao upang pagaanin ang kanilang pakiramdam patungkol sa kanilang pagkakamali, o sinasabi natin ito sa ating sarili kapag mayroon tayong nagpapatuloy na hindi magandang gawi.
Ngunit kahit alam nating ito'y totoo, madalas ay mahirap tayong magpaabot ng kagandahang-loob at pang-unawa sa ating mga sarili (at sa iba) kapag nagkakamali tayo. Kapag nagkamali tayo, maaari nating isipin na wala na tayong mabuting maaaring ibigay, o kaya naman ay wala na tayong magagawang kaibahan sa mundo.
Sa kabutihang-palad, napakalayo nito sa katotohanan. Ang Diyos ay hindi lamang nagpapatawad sa ating mga kasalanan at ginagawa tayong tama sa paningin Niya dahil sa kamatayan ni Cristo sa krus, kundi mayroon pa rin Siyang mga plano upang gamitin tayo sa kabila ng mga hindi-gaanong-mabuting mga bagay na ginagawa natin.
Nagkamali ka man nang kaunti at hindi ka nakaranas ng matinding kapinsalaan o gumawa ka man ng mga pagpiling nag-iwan ng napakaraming basura sa likuran mo, pangunahing kandidato ka para maging instrumento sa kamay ng ating mabuting Diyos. Lubos ang kakayahan Niya upang pangasiwaan ang lahat ng bagay sa mundo nang nag-iisa, subalit, sa Kanyang kabutihan at kapangyarihan, inaanyayahan Niya tayo upang maging bahagi sa napakalaki, nakatuon-sa-kahariang plano na Kanyang pinamamahalaan. Anuman ang ating mga kakayahan o kawalan ng kakayahan, ang ating kasalukuyan o nakaraan, ang ating mga nagawa o kabiguan, gusto Niyang makasama tayo at magamit Niya sa pagsasakatuparan ng Kanyang mga plano.
Habang nagpapatuloy tayo sa Gabay na ito, malalaman natin ang tungkol sa anim na tao mula sa Biblia na ginamit ng Diyos sa kabila ng kanilang pinanggalingan, ng kanilang mga kakayahan, o kung gaanong kalaki ang kanilang naging pagkakamali. Sana, pagkatapos mong marining ang kanilang mga kuwento, mapuspos ka ng ganap na kalakasan ng loob upang ikaw din, ay maging isang nilalang na ginagamit ng Diyos upang matupad ang Kanyang plano sa mundo.
Pagninilay
Nagpapakita ka ba ng higit na kagandahang-loob sa sarili mo kapag ikaw ay nagkakamali kaysa sa ipinapakita mo sa ibang tao? Nakikita mo ba ang sarili mo bilang isang nilalang na maaaring gamitin ng Diyos upang makaimpluwensya sa ibang tao? Bakit o bakit hindi?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naging magulo man ang buhay mo nang kaunti o malaki ayon sa pamantayan ng tao, ikaw ay pangunahing kandidato upang magamit ng Diyos. Sa 7-araw na Gabay na ito, matututunan natin ang tungkol sa anim na tao mula sa Biblia na ginamit ng Diyos sa kabila ng kanilang pinanggalingan, kung anong mga kakayahan nila, o kung gaano kalaki ang naging pagkakamali nila.
More