Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa

Open In Case Of Emergency

ARAW 9 NG 14

 

Pananahimik

Halos lahat ng kakilala ko ay nahihirapan sa pagkabalisa. Para sa akin, ang pagkabalisa ay maaaring umiikot sa aking ulo tulad ng mga ulap ng bagyo. Naiintindihan ko na dapat akong “… manahimik at alamin na ako (Siya ay) DIYOS”, ngunit mas madaling sabihin iyon kaysa gawin. Sa halip, sinusubukan kong kontrolin ang mga sitwasyon na talagang wala sa aking kontrol.

Pero alam mo ba na ang pandiwa na “be still” ay isinalin sa Hebreo bilang ang salitang “rapha” na ang ibig sabihin ay "pakawalan" o "isuko". Ang pananahimik sa harap ng Diyos ay ang pagbitaw sa iyong pangangailangan na makontrol ang isang sitwasyon. Kapag ginawa natin ito, hinahayaan nating sumikat ang liwanag at buhay ng Diyos sa pagkabalisa na umiikot sa atin.

Nag-aalala at nababalisa ka ba ngayon? Maglaan ng ilang sandali upang manahimik sa harap ng Diyos ngayon ... at isuko sa Kanya ang iyong pangangailangang makontrol ang iyong sitwasyon.

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Open In Case Of Emergency

Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Adamson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Instagram.com/aussiedave