Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa

Open In Case Of Emergency

ARAW 11 NG 14

 

Ang simula ng isang bagong bagay

Kapag nasa gitna ka ng mahirap na panahon ng buhay, maaaring mahirap makakita mula sa makapal na ulap na kinalalagyan mo. Minsan, hindi natin nakikita ang susunod na hakbang sa harap natin, at parang tayo ay sasalpok sa bato. Ngunit naniniwala ako na kapag tayo ay nasa gitna mismo ng libis ng anino ng kamatayan, higit nating nalalaman ang ating pangangailangan kay Jesus.

Natutunan ko sa buhay na sa tuwing natatabunan ako ng ulap ng kalungkutan o sakit o kawalan ng katiyakan, doon ako dadalhin ng Diyos sa isang bagong lugar ng pananampalataya at paglago. Bagama't maaaring hindi natin ito nakikita sa simula, palaging may layunin ang ating nararanasang sakit - at gagamitin ng Diyos ang mahihirap na panahon upang may bagong bagay na magmula sa atin. Sa katunayan, binalaan tayo ng Diyos na magkakaroon tayo ng problema sa mundong ito, ngunit sinabi rin Niya sa pamamagitan ng propetang si Isaias na “… hindi Siya magdudulot ng sakit nang hindi pinahihintulutan ang isang bagong bagay na ipanganak.”

Ngayon, sa gitna ng kirot na nararamdaman … kapag ang kawalan ng katiyakan ay pumapalibot sa iyo na parang ulap at hindi mo makita kung saan ka pupunta - alamin na ang Diyos ay nagsisilang ng isang bagong bagay sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Open In Case Of Emergency

Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Adamson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Instagram.com/aussiedave