Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa
Ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig
Sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon na kunan ng larawan ang mga nakamamanghang lokasyon na tulad nito at makita ang kagandahan ng sangnilikha, hindi ko maiwasang sabihin sa Diyos kung gaano kahanga-hanga ang Kanyang nilikha. Habang malakas na sinasabi ko kung gaano kahanga-hanga ang Diyos, lalo Siyang nagsisilang ng bagong pananampalataya sa akin, na makatuwiran kung isasaalang-alang ang Mga Taga-Roma 10 na nagsasabing ".. ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig." At sinasabi sa atin ng Genesis na ang mga salita ay para sa paglikha, hindi lamang para sa komunikasyon.
Kulang ka ba sa pananampalataya ngayon? Kung magkaganoon, ihinto ang pagbabasa at maglaan ng ilang sandali upang sabihin nang malakas ang katotohanan. Sabihin sa Diyos kung gaano Siya kahanga-hanga, kahit na nagdududa ka sa Kanya ngayon. Purihin Siya nang malakas. Ipaalala ang Kanyang mga pangako na panunumbalikin ka at hindi ka iiwan. At habang sinasabi mo ang wikang ito ng pananampalataya … hayaan Siyang lumikha ng isang bagong bagay sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.
More