Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa
Narito na ang Anak
Nang ikuwento ni Mateo ang kuwento ni Jesus na naglalakad sa tubig ay isinulat niya na ang himala ay nangyari “... sa madaling-araw.” Ang panahong ito ay tradisyonal na tumatagal mula 3am hanggang 6am - ang pinakamadilim na bahagi ng gabi hanggang sa pagsikat ng araw.
Nakita ko ang kahalagahan nito sa isang bakasyon ng pamilya sa baybayin ng Florida kung saan nakita namin ang kamangha-manghang tanawin ng pagsikat ng araw sa ibabaw ng karagatan mula sa aming tinutuluyan. Ang aking anak na babae ay babangon at panonoorin ang pagsikat ng araw na kasama ko tuwing umaga, at habang ang sikat ng araw ay lumilitaw sa unang pagkakataon sa abot-tanaw ay ipapahayag niya; "narito na ang araw!" Nang si Jesus - ang Liwanag ng mundo - ay sadyang lumakad patungo sa mga alagad sa dagat bago magbukang-liwayway, iniisip ko kung ganoon din ang sinabi nila, "Narito na ang Anak!"
Maaaring ngayon, kailangan mong paalalahanan na kapag ang mga bagay ay nasa pinakamadilim, doon dumarating ang Liwanag.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.
More