Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa

Open In Case Of Emergency

ARAW 5 NG 14

 

Isang tuwid na landas

Puno ba ng tagumpay at kabiguan ang buhay mo? Ang daang tinatahak natin sa buhay ay hindi laging tuwid o pantay. Maaaring mahirap ang buhay kapag naglalakad ka paakyat, maaari kang mawalan ng kontrol sa pagbaba, o puno ito ng mga biglang pagliko at pag-iiba ng direksyon. Maaaring hindi tiyak at hindi mahuhulaan ang buhay sa paliku-liko at hindi pantay na kalsadang ito.

Ngunit habang ang ating buhay ay maaaring tila isang tsubibo minsan, ang may-akda ng Awit 23 ay nagsusulat na ang Diyos ay umaakay sa kanya sa "mga tuwid na landas", na makatuwiran kung naiintindihan mo kung ano ang kanyang tinutukoy. Alam mo, sa disyerto, kung ang isang tupa ay sumusubok na maglakad nang diretso sa isang burol, sila ay madalas na susuray-suray at hindi makontrol, mahuhulog at sasaktan ang kanilang sarili. Kaya ginagamit ng mga pastol ang kanilang tinig para gabayan ang kanilang mga tupa sa makipot na “tuwid na landas” na dahan-dahang umiikot sa burol at nagpapahintulot sa mga tupa na maglakbay pataas at pababa nang hindi nasasaktan. Tulad ng mga tupang ito, kailangan nating hayaang gabayan tayo ng ating pastol sa mga tagumpay at kabiguan ng buhay. Ngunit, hindi tayo magagabayan kung hindi natin naririnig at nakikilala ang Kanyang tinig. Kung tayo ay ginugulo at hindi nakatuon sa Diyos, madaling lumihis sa Kanyang landas.

Kung ang iyong buhay ay parang umiikot na tsubibo ngayon, tumuon sa tinig ng Diyos at hayaang gabayan ka Niya sa tuwid na landas.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Open In Case Of Emergency

Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Adamson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Instagram.com/aussiedave