Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa

Open In Case Of Emergency

ARAW 4 NG 14

 

Magpatuloy Lang

May isang sikat na lugar para sa mga turista sa Chattanooga, Tennessee na tinatawag na Ruby Falls - isang kamangha-manghang natural na talon na umaagos sa 1120 talampakan sa ilalim ng Lookout Mountain. Upang makarating sa talon, kailangan mong bumaba ng 260 talampakan sa isang elevator, papunta mismo sa gitna ng bundok. Pagdating doon, maglalakad ka ng halos isang milya sa ilalim ng lupa sa pamamagitan ng madilim na mga kuweba, mabababang kisame, lampas sa mga batis sa ilalim ng lupa at mga stalactite rock formations. Tatahakin mo ang pababa, at madulas na daan hanggang sa ikaw ay nasa lalim na halos kasing taas ng Empire State Building. Pagkatapos, biglang bubukas ang kweba upang ipakita ang maluwalhati at dinadaluyan ng tubig-ulan na ito, ang 145-talampakang mataas na talon. Kahanga-hanga.

Kinabukasan pagkatapos naming bisitahin ng aking pamilya ang kamangha-manghang talon na ito, nakikipag-usap ako sa aking mga anak na babae tungkol sa ilang mga isyung kinakaharap nila at naisip ko na minsan ang buhay ay parang pagbisita sa Ruby Falls. Sinabi ko sa kanila na minsan sa buhay, makikita mo ang iyong sarili sa isang madilim na lugar kung saan nauuntog ang iyong ulo, nadudulas ka, hindi mo masyadong nakikita ang iyong harapan, at pakiramdam mo ay pababa ang lahat. Ngunit, kung mayroon kang sapat na pananampalataya upang patuloy na lumakad, makikita mo ang isang bagay na maluwalhati na tanging Diyos lamang ang may kakayahang mag-ayos.

Pakiramdam mo ba ay naglalakad ka sa isang kweba ngayon? Madilim at madulas ba ang buhay? Patuloy na lumakad dahil may isang maluwalhating bagay na ihahayag sa iyo ang Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Open In Case Of Emergency

Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Adamson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Instagram.com/aussiedave