Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa

Open In Case Of Emergency

ARAW 3 NG 14

 

Huwag Palampasin ang Pagpapala

Habang naglalakad sa kahabaan ng pier na ito sa Point Lonsdale sa Australian surf coast isang madilim na umaga, napakakapal ng hamog na halos hindi ko na makita ang higit sa ilang talampakan sa harapan ko. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga ilaw sa jetty, kaya nanatili akong nakatutok sa kanila at patuloy na sumusulong.

Ipinaalala nito sa akin ang kuwento ni Jose sa Biblia. Noong tin-edyer pa lamang siya, ipinagbili si Jose sa pagkaalipin ng kanyang mga kapatid at pagkatapos ay pinagbintangan at ikinulong, ngunit nanatili siyang nakatutok sa Diyos at tumangging mawalan ng pananampalataya. At ginamit ng Diyos ang kanyang pananampalataya para tulungan siyang maging tagapamahala ng Egipto.

Sigurado akong gusto nating lahat ang ganitong uri ng pananampalataya, ngunit sa tuwing dumadaan tayo sa mahihirap na panahon, mas napapatuon tayo sa problemang kinakaharap natin sa halip na sa Diyos na ating sinusunod. Kapag nangyari ito, nanganganib na makaligtaan natin ang pagpapalang inihanda ng Diyos para sa atin pagkatapos ng pagsubok.

Kung nasa kalagitnaan ka ng madilim na ulap ngayon, tularan mo si Jose - ituon mo ang iyong mga mata sa Diyos at maniwala na ginagamit Niya ang pagsubok na ito para ihanda ka sa isang bagong bagay.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Open In Case Of Emergency

Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Adamson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Instagram.com/aussiedave