Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buksan Sa Panahon Ng Kagipitan Halimbawa

Open In Case Of Emergency

ARAW 2 NG 14

 

Naipit sa gitna

Gustung-gusto ko ang Sabado ng umaga, ngunit naisip mo na ba kung ano ang nangyari noong Sabado pagkatapos mamatay si Jesus? Namatay si Jesus noong Biyernes at nabuhay noong Linggo … at ang Sabado sa pagitan ay ang tanging araw sa loob ng 2000+ taon kung kailan walang sinuman sa mundo ang naniniwala na si Jesus ay buhay. Ang Sabadong iyon ay tiyak na isang madilim at malungkot na araw para sa mga alagad. Iyon ay ang araw PAGKATAPOS na ang kanilang guro ay namatay, at ang araw BAGO ang Kanyang muling pagkabuhay.

Ang Sabado ay ang gitnang bahagi ng tatlong araw na kuwento na nangyayari at naulit sa buong banal na kasulatan. Mula kay Abraham at Isaac, hanggang sa mga kapatid ni Jose, kay Rahab, kay Ester, hanggang kay Jesus ... may isang mapangwasak na pangyayari sa unang araw at nang sumapit ang ikatlong araw ay doon lamang nagbigay ng paraan ang Diyos. Gaya ng paglalarawan dito ng may-akda na si John Ortberg “… Sabado ang araw na namatay ang iyong pangarap. Gumising ka at buhay ka pa. Kailangan mong magpatuloy, ngunit hindi mo alam kung paano. Ang masama pa nito, hindi mo alam kung bakit."

Lahat tayo ay nakaranas ng isang "Sabado". Marahil ay nasa kalagitnaan ka ng isang Sabado ngayon. Nawalan ka ng trabaho. Ang iyong buhay may-asawa ay magulo. Pangit ang resulta ng iyong pagsusulit. Tapos na ang iyong relasyon. Pinapaalis ka na. Kung nasa kalagitnaan ka ng isang Sabado, ngayon ang araw para magkaroon ng pag-asa, panatilihin ang pananampalataya at maniwala na darating ang Linggo.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Open In Case Of Emergency

Lahat tayo ay maaaring dumaan na sa isa sa mga unos ng buhay, nasa gitna ng unos ngayon, o haharap sa isa sa mga unos ng buhay sa malapit na hinaharap. Ang 14 na araw na debosyon na ito ay magpapaalala sa iyo na si Jesus ang may kontrol sa bawat unos. Dahil ang mga imahe ay ang wika ng ika-21 siglo, bawat debosyon ay gumagamit ng mga orihinal na larawan upang ipaliwanag ang debosyon at palalimin ang epekto nito.

More

Nais naming pasalamatan si Dave Adamson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Instagram.com/aussiedave