Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Talaga bang Mapagtatagumpayan Ko ang Kasalanan at Tukso?Halimbawa

Can I Really Overcome Sin and Temptation?

ARAW 5 NG 5

Paano kung Ako ay Nadaig na ng Tukso?

Paano kung huli na?

Nilabanan mo ang tukso sa iyong lakas—at natalo. 

Ngayon ikaw ay nagkasala sa harapan ng banal na Panginoon ng sandaigidgan.

Lahat tayo ay nakaranas na nito: “Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan” (1 Juan 1:8).

Ito ang ating gagawin: “Kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid” (v. 9).

Dalhin ang iyong kasalanan sa Ama—ngayon. 

Aminin ang iyong pagkakamali, magsisi sa iyong kakulangan, at humingi ng kapatawaran. 

Angkinin ang Kanyang pangako na patatawarin ang iyong mga pagkakamali at kasalanan, na papawiin ang mga pagkakasala at hindi na aalalahanin ang iyong mga pagkukulang.

Ang pagpapatawad ba ng Diyos ay nangangahulugan na tayo ay magkakasala at mangungumpisal, pagkatapos ay magkakasala at mangungumpisal muli?

Hindi maaaring walang epekto ito.

Maipapako ko ang pako sa kahoy, at mabubunot mo ito—subalit ang butas ay mananatili. Ang hindi pagsunod ay hindi na muli pang mababawi. Ang gantimpala sa pagiging matapat ay mawawala magpakailanman.

Ang Diyos ay nagpapatawad, subalit ang kirot ng ating kasalanan ay masakit pa rin—sa atin at maging sa iba.

Gayunpaman, tayo ay mapapatawad Niya na ang Kanyang Anak ay namatay para sa atin upang bayaran ang ating pagkakautang: “Ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa” (Mga Taga-Roma 5:8).

Ang pagkakasala ay hindi galing sa Diyos.

Mahal ng ating Ama ang bawat miyembro ng Kanyang pamilya. At tayo ay Kanyang mga anak, kahit na hindi tayo kumikilos nang ganoon.

Ang biyaya ay pagtagggap ng hindi karapat-dapat; ang awa ay ang hindi pagtanggap ng nararapat para sa atin.

Inaalok ng ating Ama sa langit ang dalawa.

Kinakailangan mo bang buksan ang Kanyang kaloob na kapatawaran ngayon?

Kung gayon, huwag nang maghintay. Kausapin ang iyong Ama sa langit. Ninanais niya na marinig ka Niya, ang Kanyang mahal na anak.

---

Para makabasa pa ng patungkol sa pagdaig sa kasalanan at tukso, i-download ang unang kabanata ng aklat ni Dr. Denison, 7 Deadly Sins, nang libre. 

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Can I Really Overcome Sin and Temptation?

Naitanong mo ba sa iyong sarili, “Bakit nakikipaglaban pa rin ako sa kasalanang ito?” Maging si apostol Pablo ay nagsabi sa Mga Taga-Roma 7:15: “Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa.” Paano natin patitigilin ang kasalanan mula sa pagpigil sa ating espirituwal na pamumuhay? Posible ba ito? Talakayin natin ang kasalanan, tukso, si Satanas, at, salamat, ang pag-ibig ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Denison Forum sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://www.denisonforum.org