Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Talaga bang Mapagtatagumpayan Ko ang Kasalanan at Tukso?Halimbawa

Can I Really Overcome Sin and Temptation?

ARAW 1 NG 5

Talaga bang Mapagtatagumpayan ko ang Kasalanan at Tukso?

Sa 1 Samuel 13:14, ang propeta Samuel ay nagsabi kay Saul, ang hari ng Israel, na siya ay papalitan dahil "Si Yahweh ay pipili ng isang taong mula sa kanyang puso na maghahari sa Israel.”

Subalit, makalipas ang ilang dekada, ang “lalaking mula sa kanyang puso” ay nagkaroon ng kaugnayan sa babaeng may asawa, na nagbunga ng pagdadalang-tao, at nagtagumpay sa balakin na patayin ang asawa nito upang makuha niya ang babae bilang kanyang asawa.

Sa isang kaganapang ito, sinira ni Haring David ang siyam sa Sampung Utos:

10: Pinagnasaan niyang maangkin ang asawa ng iba.

9: Nagsinungaling siya patungkol sa kanyang kasalanan.

8: Ninakaw niya ang babae para sa kanyang sarili.

7: Siya ay nangalunya.

6: Pinatay niya ang asawa ng babae.

5: Hindi niya iginalang ang kanyang mga magulang.

2: Ginawa niyang isang idolo si Bathsheba.

1 and 3: Ipinahiya niya ang Diyos at ang kanyang pangalan.

Mabuti na lang at hindi sinalungat ni David ang patakaran ng Sabbath—sa ating pagkakaalam.

Bakit nagawa ito ng lalaking mula sa puso ng Diyos?

Bakit tayo nagkakasala? Paano natin madaraig ang tukso? Ano ang gagawin natin kung hindi?

Ito ay ating tatalakayin sa loob ng apat na araw.

Asahan na Matukso

Pagkatapos tuksuhin si Jesus sa lahat ng paraan, umalis na ang diyablo at naghintay ng ibang pagkakataon” (Lucas 4:13). Kung ang ating Panginoon ay humarap sa tukso, ganoon din tayo.

Ang diyablo ay totoong-totoo, at kinasusuklaman ka niya. Ikaw ay kanyang kaaway. Nagbabala si Jesus na ang diyablo ay “isang mamamatay-tao buhat pa sa simula,” at “isang sinungaling at ama ng mga kasinungalingan” (Juan 8:44). Siya ay isang “leong umaatungal, aali-aligid na naghahanap ng masisila.” (1 Pedro 5:8). Tinutukso niya at nililinlang ang bawat isa sa atin.

Ito ang dahilan: Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan” (Santiago 1:15).

Tandaan: Ang kasalanan ay naglalayo sa iyo nang higit sa iyong nais na puntahan, nagpapanatili ito sa iyo ng mas matagal kaysa sa nais mo, at nagkakahalaga ito ng higit sa nais mong bayaran.

Palagi.

Tanungin mo na lang si Haring David. Basahin ang 2 Samuel 12 para sa mga kalunos-lunos na kinahinatnan.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Can I Really Overcome Sin and Temptation?

Naitanong mo ba sa iyong sarili, “Bakit nakikipaglaban pa rin ako sa kasalanang ito?” Maging si apostol Pablo ay nagsabi sa Mga Taga-Roma 7:15: “Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa.” Paano natin patitigilin ang kasalanan mula sa pagpigil sa ating espirituwal na pamumuhay? Posible ba ito? Talakayin natin ang kasalanan, tukso, si Satanas, at, salamat, ang pag-ibig ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Denison Forum sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://www.denisonforum.org